Home Celebrities Juan Ponce Enrile kay Vince Tañada ng ‘Katips’: “Ano bang ginawa ng martial law sa’yo?”

Juan Ponce Enrile kay Vince Tañada ng ‘Katips’: “Ano bang ginawa ng martial law sa’yo?”

0

Hindi napigilan ni presidential legal counsel Juan Ponce Enrile na magtanong sa direktor at producer ng pelikulang ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada kung ano nga ba ang dahilan kung bakit galit din ito sa nangyaring martial law noon.

Matatandaan na si Enrile ang defense secretary noong panahon ng martial law kaya’t hindi maikakaila na isa siya sa may mga pinakamaraming alam sa paksa.

Sa isang panayam ay sinabi ni Tañada na “alam na alam” niya ang buhay ng mga biktima noon ng martial law ito ang mga kliyente niya sa pagiging abogado niya.

“Saksi ako… abogadi din ako ng claimants 1081.. Ito ‘yung mga naningil ng danyos para doon sa mga napahirapan nung panahon ng Martial Law. Yung mga buhay mismo nila talagang ako mismo ang nag-litigate. Ako ang lawyer nun kaya alam na alam ko ang buhay nila,” pagmamalaki ni Tañada.

Dahil dito ay tinanong ni Enrile si Tañada tungkol sa Martial Law.

“Atty. Ano ba ang ginawa nang Martial Law sa iyo? Hindi ka ba pinasusu sa nanay mo? Hindi ka ba pina-ihi at pina-uu sa lampin mo?” tanong ni Enrile.

Ilang websites ang sinubukan hulaan ang edad ni Tañada at sinabi na bata pa lamang ito o hindi pa pinapanganak noong panahon ng martial law kaya’t ito siguro ang naging basehan ng komento ni Enrile.

Wala namang sagot si Tañada sa tanong sa kanya ng beteranong abogado at politiko.

Kasalukuyang ipinapalabas ang pelikula ni Tañada sa iba’t ibang sinehan sa bansa upang tapatan ang Maid in Malacañang na tungkol sa buhay ng mga Marcos.

Facebook Comments