Home Celebrities Jaime Fábregas, kontra sa mandatory ROTC: Just teach the children to love their country!

Jaime Fábregas, kontra sa mandatory ROTC: Just teach the children to love their country!

0

Kontra ang aktor na si Jaime Fábregas o mas kilala bilang ‘Lolo Delfin’ sa Ang Probinsyano sa isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga estudyante.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Fábregas na sapat na ang turuan ang mga kabataan na mahalin ang kanilang bayan upang depensahan nila ang bansa sa mga posibleng mananakop.

Screencap ng tweet mula kay Jaime Fábregas (@fabre_jaime)

Pabor naman ang ilang followers ni Fábregas sa sinabi nito.

“Agree with you Sir, we have a long way to go, tamang pag pila lang at pagbulsa ng kalat sa daan di pa rin kaya gawin ng most adult Pilipino. Pano pa yung gera na,” sabi ni netizen @iamMikeSalgado.

“With this single statement, you just demolished their argument for the necessity of mandatory ROTC.” ani @JosephEpistola.

Ngunit hindi lahat ng netizens ay pabor sa sinabi ng aktor.

“Dear Jaime Fabregas…. The reason you train at ROTC is so that it would be the invader who will die for his country and not you.” sabi ni Atty. Darwin Cañete.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay makakatulong ang ROTC upang maturuan ang mga kabataan hindi lang sa pagtatanggol sa bayan kundi sa kahandaan narin sa mga sakuna.

“Mas marami rin tayong maihahanda na sibilyan para sa mga ganitong disaster response sa pamamagitan ng ROTC program dahil hindi lang naman national defense ang tinuturo sa kanila kundi disaster preparedness and capacity building para dito nga sa tinatawag na risk-related situations na itinuturo sa kanila,” ani Marcos.

 

Facebook Comments