Home Celebrities Direk Darryl Yap, ibinunyag na ang SM ang nagkumbinsi sa kanya na ilabas sa sinehan ang ‘Maid in Malacañang’

Direk Darryl Yap, ibinunyag na ang SM ang nagkumbinsi sa kanya na ilabas sa sinehan ang ‘Maid in Malacañang’

0

Ibinunyag ni Direk Darryl Yap na hindi talaga nila balak na ilabas sa mga sinehan ang blockbuster movie niya na Maid in Malacañang.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Yap na ang una lamang nilang plano ay ilagay sa Vivamax ang kanyang pelikula na kadalasan namang nangyayari sa mga proyekto niya.

Ngunit kinumbinsi diumano siya ng mall giant na SM na ilabas na sa sinehan ang nasabing pelikula niya.

“It was SM who finally convinced [Maid in Malacañang]:”-sinehan nyo na yan; susugal ang SM d’yan.” ani Yap.

“It was actually planned to be in Vivamax lang…. Inawitan nila itong pelikulang ito…para, finally, mahikayat ang taong bumalik ng sinehan.” dagdag niya pa.

At tila hindi naman nagkamali ang nasabing mall sa pagpapalabas ng pelikula ni Yap dahil sa unang araw pa lamang ay kumita na ito ng P21,000,000.

Ilang netizens ang naniniwala na ang tagumpay ng unang araw ng Maid in Malacañang ay isa sa mga palatandaan na bumabalik na ang sigla ng mga sinehan simula ng magkaroon ng pandemya.

“The Philippine Cinema is Back” sabi ng VIVA.

Inaabangan naman ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang international screening ng nasabing pelikula na tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Malacañang.

Samantala ay hindi pa inilalabas ng pelikulang ‘Katips’ ang kanilang kinita sa unang araw ng kanilang pakikipagsabayan sa Maid in Malacañang.

 

Facebook Comments