Home Politics Dating Pangulong Duterte sa kaso niya sa ICC: ” If I go to prison, I should go to Muntinlupa,”

Dating Pangulong Duterte sa kaso niya sa ICC: ” If I go to prison, I should go to Muntinlupa,”

0

Sa unang pagkakataon ay nakitang muli ng publiko si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang bumisita sa lamay ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

Kasama ni Duterte ang ilan sa mga dati niyang mga gabinete at si Sen. Christopher “Bong” Go.

Sa panayam sa kanya ay inalala niya ang ilan sa mga pinagsamahan nila ni FVR kasama na dito ang pagkumbinsi sa kanyang tumakbo bilang pangulo.

“Pumasok si FVR, may dalang tennis bag, tapos nilagay niya sa gitna, sabi niya, ‘iyan lang ang pera ko na maitulong ko sa iyo’. He was the first one who forced me to run, and the first one to contribute the money. That is my fondest memory of FVR,” sabi ng dating pangulo.

Ayon sa kanya ay natutunan niya kay FVR ang pagiging strikto at ang hindi nito pabago bagong pagdedesisyon.

Tinanong din siya tungkol sa kasong kinakaharap nito sa ICC at sinabi na kung lilitisin siya ay dapat Pilipino ang lilitis sa kanya at kung makukulong man siya ay sa Muntinlupa siya ipapasok.

“I am a Filipino. If I will be prosecuted, it will be a prosecutor who is a Filipino. I will be judged, it will be a Filipino judge. If I go to prison, I should go to Muntinlupa,”  aniya.

 

Facebook Comments