Home Celebrities Ballsy Aquino-Cruz pumalag: “Mom NEVER PLAYED MAHJONG during EDSA — I can’t imagine how she could have and her presidency”

Ballsy Aquino-Cruz pumalag: “Mom NEVER PLAYED MAHJONG during EDSA — I can’t imagine how she could have and her presidency”

0

Pinalagan ni Ballsy Aquino-Cruz ang isang eksena sa pelikulang Maid in Malacañang kung saan makikita ang kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino na nakikipaglaro ng mahjong sa mga madre.

Kung susundin ang timeline ng pelikula ay nangyari ang paglalaro ng mahjong sa mga huling araw sa kapangyarihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kaya’t pinaniniwalaan na ang mga madre ng Order of Carmelite ang ipinakita sa eksena.

Itinanggi naman ni Direktor Darryl Yap na ang mga madre sa Cebu ang kanyang isinasalarawan sa pelikula.

Sa pahayag naman ni Aquino-Cruz, sinabi nito na hindi naglaro ng mahjong ang kanyang ina sa gitna ng EDSA at kahit sa buong termino niya bilang pangulo.

“Mom didn’t play mahjong after her mother passed away in 1985. She and her sisters played with their mother who had lost her hearing, to entertain her,” ani Aquino-Cruz.

“I would think, even before 1985, they had stopped playing mahjong.” dagdag niya pa.

Hanggang ngayon ay debate parin kung naglalaro ba talaga ng mahjong si Aquino noon o hindi.

Nabanggit naman sa isang artikulo noon ng Philippine Star ang paglalaro ng mahjong ni Aquino sa gitna ng kanyang termino.

“Simple mahjong afternoon sessions during her term were a whiff of charm  to the musty formality of Presidential life.” sabi ni Rey Gamboa sa kanyang artikulong Cory’s Unfinished Business sa Philippine Star.

Wala pang sagot ang pamilya Aquino sa nasabing artikulo.

Hinihintay naman ng mga netizens kung ano ang masasabi ni Kris Aquino na nagpapagaling ngayon sa Amerika sa pelikulang Maid in Malacañang.

Facebook Comments