HomeCelebritiesParang Alcatraz! Panukala na magtatayo ng isang preso sa isang isla sa...

Parang Alcatraz! Panukala na magtatayo ng isang preso sa isang isla sa Palawan, isa ng batas

Naging batas na ang panukalang “Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Ac” na nag-uutos sa gobyerno na magtayo ng isang ‘island prison’ kung saan ilalagay ang mga gumawa ng krimen na itinuturing na ‘heinous’.

Ayon sa nasabing batas ay kailangan na ng gobyerno na magtayo ng hilaway na kulungan para sa mga high-profile inmates at mga kriminal na maituturing parin na delikado sa publiko kahit na sila’y nasa loob na ng selda.

Ilan sa mga lugar na gustong gawin na susunod na maximum security prison ay ng Laur, Nueva Ecija, ang Caballo Island sa Corregidor at ang isang isla sa Palawan na wala pang pangalan.

Isa sa mga nagsulong ng batas na ito ay si dating Senate President Tito Sotto.

Kung siya naman ang tatanungin ay mas gusto niya na sa Palawan dalhin ang mga ito dahil mas liblib at walang signal doon.

“They cannot escape from that place. No cellsite, no signal, no, nothing. (Just) A separate island for them,” sabi ni Sotto sa panayam sa kanya noong Enero.

Sinasabi rin ng batas na kailangan magtayo ng gobyerno ng mga major prison facilities sa Luzon, Visayas at Mindanao upang ang mga preso ay madadalaw parin ng kanilang mga pamilya.

Ayon kasi sa kanya ay ilan sa mga nasa Bilibid ay hindi nadadalaw ng kanilang pamilya dahil sa layo ng lugar.

Gusto rin ni Sotto na alisin na ang National Bilibid sa Muntinlupa at i-convert na lamang ito sa mga eskwelahan.

“That area costs about a trillion. That can be converted into a university belt. Imagine the growth corridor that we would be creating instead of housing the inmates there?” sabi ni Sotto.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular