Home Social Media Obispo nakiusap sa mga Katoliko na i-boycott ang Maid in Malacañang: “Would MTRCB act responsibly on this?”

Obispo nakiusap sa mga Katoliko na i-boycott ang Maid in Malacañang: “Would MTRCB act responsibly on this?”

0

Hinimok ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga Katoliko na i-boycott ang pelikulang Maid in Malacañang dahil sa ginawa nitong diumano’y pagsasalarawan sa mga madre na nakasama noon ni dating pangulong Cory Aquino sa Cebu.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang teaser ng nasabing pelikula na likha ni Direktor Daryl Yap kung saan makikita ang ilang madre na naglalaro ng mahjong kasama si Aquino.

“SHAMELESS! BOYCOTT “MAID IN MALACAÑANG”!” paumpisa ni Alminaza sa kanyang Facebook post.

Ayon sa obispo ay kailangang humingi ng paumanhin ang lahat ng nasa likod ng MiM dahil sa ginawa nilang pagsasalarawan sa mga miyembro ng Order of Carmelites at kay Aquino.

“The Producer, Scriptwriter, Director and those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite Nuns, to Pres. Cory Aquino’s family and to the Filipino People!” aniya.

Tila hinamon din nito ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na aksyunan ang Maid in Malacañang.

“Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” tanong niya pa.

Binatikos rin ng mismong mga madre ang ginawang pagsasalarawan diumano sa kanila ni Yap sa pelikula at sinabi na hindi nila magagawang maglaro ng mahjong sa panahon na ‘yon dahil nagkakagulo na.

Ngunit ilan naman ang nagtanggol kay Yap at sinabi na hindi naman ang mga madre ng Carmelites ang isinasalarawan sa nasabing pelikula.

“The nun characters in the movie are not wearing the Carmelite’s religious habit; besides, off talaga sa timeline na irepresent sila. Direk has already said hindi Carmelite nuns yung nasa scene,” sabi ng isang tagasuporta ng direktor.

Facebook Comments