Home Celebrities Neurologist, sinubukan patunayan kung bakit hindi ang mga madre sa Cebu ang nasa pelikulang Maid in Malacañang

Neurologist, sinubukan patunayan kung bakit hindi ang mga madre sa Cebu ang nasa pelikulang Maid in Malacañang

0

Isang Neurologist ang sinubukan na patunayan na hindi ang mga madre ng Order of Carmelites sa Cebu ang isinasalarawan sa pelikulang Maid in Malacañang.

Matatandaan na naging isyu ang isang eksena sa MiM kung saan makikita si dating Pangulong Cory Aquino na ginampanan ng aktres na si Giselle Sanchez na nakikipaglaro ng mahjong sa mga madre.

Pumalag naman ang Order of Carmelites dito dahil isa sila sa mga madre na nakasama ni Aquino bago mapatalsik ang pamilya Marcos.

Pero sa isang Facebook post, sinabi ni Dr. Noreen Tangcuangco-Trinidad na ang Maid in Malacañang ay tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa pwesto kaya’t malabo na nasa loob pa ng monasteryo ng Cebu si Aquino noong mga oras na pinapatalsik na ang dating unang pamilya sa palasyo.

Eto ang kanyang paliwanag:

On Carmelites, Cory and an interesting film

>A simple research, a cognitive exercise would have precluded this type of misunderstanding and so many emotional reactions, most esp from the Carmelites themselves.

Wala pong “distortion” o malice akong nakikita.

Simplehan natin. Here are the facts:

1. Direk Darryl Yap said that Maid in Malacañang is about the last 72 hours of then first family in Malacañang before they were exiled.

2. The Marcoses left Malacañang at shortly after 9PM of Feb 25, 1986.

3. Mrs. Aquino stayed with the Carmelites for only 14 hours–from the evening of Feb 22 to 11AM of Feb 23, 1986.

4. Aquino and Laurel both took their oaths at Club Filipino on Feb 25, 1986–so nasa Manila na sya by the time the Marcoses left, wala na sa monasteryo.

5. The nun characters in the movie are not wearing the Carmelite’s religious habit; besides, off talaga sa timeline na irepresent sila. Direk has already said hindi Carmelite nuns yung nasa scene (I, for one, think this scene is more a symbolism–for what? naku isa pang discussion yan).

6. MIM is not a documentary, not a biopic. It’s about a story of the first family during those times from their perspective. Hindi naman sinabi ng production team na pang-historical reference na ang level nya. It’s a movie, we watch to be mostly entertained, to satisfy our curiosities. Bonus na if a movie made you open your mind to differing perspectives toward having a more analytical/objective “default mode”.

 

Wala pang sagot ang mga madre sa nasabing pahayag ng doktor.

Facebook Comments