Home Celebrities Katips Director at Producer na si Atty. Vince Tañada, pina-blotter na ang mga nagbabanta sa buhay niya

Katips Director at Producer na si Atty. Vince Tañada, pina-blotter na ang mga nagbabanta sa buhay niya

0

Inamin ng direktor at producer ng Katips na si Atty. Vince Tañada na inireport niya na sa pulisya ang mga nagbabanta sa kanyang buhay simula ng tapatan niya ang showing ng pelikulang Maid in Malacañang.

Sa panayam sa kanya ng Abante, inamin ni Tañada na sa una ay hindi niya pinapansin ang mga banta sa kanyang buhay ngunit hinimok siya ng kaibigan niyang pulis na “seryosohin” ang mga bantang ito.

“May mga nagsabi sakin na ‘mag-ingat ka nag-iisa ka lang pala’ mga ganon ‘aabangan ka namin sa ganito’ nakakatakot sobra, kaya ayon hindi na ko lumalakad mag-isa, may kinuha na akong bodyguard,” ani Tañada.

“Mayroon ako kasing kaibigan na PNP, ang sabi niya seryosohin daw ang mga ganyang bagay kasi ‘yung mga naa-ambush parang sila ‘yung madalas magsabi na ‘ah wala ‘yan’ so seryosohin din daw,” dagdag niya pa.

Kahit noong tumanggap siya ng award sa FAMAS ay mayroon na siyang escort.

“Yung mga number at mga made-up accounts sa messenger pina-blotter na namin noong Sunday night,” sabi niya.

Nagbigay naman ito ng mensahe kay Direk Darryl Yap.

“Pre manonood ako ng pelikula mo, sana magtagumpay tayo dahil alam mo naman na tayo ang pinakaunang Pilipino na pelikula na magpapalabas after ng pandemya,” sabi niya.

“Kung magtatagumpay ang Maid in Malacañang ay sana’y magtagumpay din ang Katips, yan ang parehong benepisyo ng pelikulang Pilipino,” dagdag niya pa.

Ito naman ang masasabi niya kay Juliana Segovia Parizcova.

“Basta ang pangit niya inside and out, hindi dapat ganyan ang ugali Juliana kasi napakaliit lang ng showbiz, magku-krus at magku-krus ang ating landas… Tandaan mo direktor ako at syempre in a way mamaya kailangan mo ang tulong ko in the future,” sabi ng direktor at abogado.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Tañada dahil sa kanyang pag-anunsyo na sasabayan niya ang pelikulang Maid in Malacañang gamit ang kanyang award-winning na pelikula.

 

Facebook Comments