Home Celebrities ‘Katips’ director at producer, hindi pumayag na gamitin noong eleksyon ang pelikula niya

‘Katips’ director at producer, hindi pumayag na gamitin noong eleksyon ang pelikula niya

0

Itinanggi ni Atty. Vince Tañada na producer at direktor ng ‘Katips: The Movie’ na ginagamit niya ang kanyang pelikula para siraan ang pamilya Marcos.

Sa iba’t ibang panayam sa kanya, sinabi ni Tañada na noong campaign period ay mayroong mga ‘Kakampink’ na sinubukan na bilhin ang kanyang pelikula at gamitin para sa politika ngunit hindi siya pumayag.

Tungkol ang nasabing pelikula sa diumano’y karanasan ng mga ordinaryong Pilipino at ng mga estudyante noong panahon ng martial law.

“Yung sinasabi ng mga bashers na gagamitin ko raw “to para pabagsakin ang mga Marcoses, that’s not true. There were also offers from ‘kakampinks’ to purchase this film and use it for the campaign pero hindi ko “to ginamit because I believe in the sacredness of my art.” sabi ni Tañada sa panayam sa kanya ng ANC.

Hindi naman pinangalanan ni Tañada kung sino ang mga Kakampink na kayang binanggit.

Sa panayam naman sa kanya ni Cristy Fermin, sinabi nito na kung gusto niyang gamitin sa politika ang kanyang pelikula ay sana’y ipinalabas niya ito bago mag-eleksyon.

Hindi niya rin nakikitaan ng mali kung itatapat niya ito sa Maid in Malacañang.

“Wala po akong nakikitang mali roon. Hindi po ginamit ang pelikula para sa pulitika dahil alam naman po natin kung ginamit ko ito para sa pulitika e sana nagpalabas kami bago ang eleksyon.” sabi ng abogado.

Sinabi rin niya na galing ang pondo ng pelikula sa naipon niya sa loob ng 20 taon niyang pagiging abogado.

“Talagang ako po mismo ang nag-produce. Pinag-ipunan ko po ito sa 20 tong pag-aabugado kaya tanggap ko po na maaari akong malugi, maaari rin namang kumita,” aniya.

Facebook Comments