HomeCelebritiesKapatid ni dating Pangulong Duterte sinabing hindi nila kamag-anak si Fema Duterte:...

Kapatid ni dating Pangulong Duterte sinabing hindi nila kamag-anak si Fema Duterte: “Karma will come!”

Hindi na nakapagpigil ang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocellyn Duterte-Villarica matapos siyang diumano’y siraan ni Maria Fema Duterte.

Si Maria Fema Duterte ay isinasalarawan ng media bilang ‘distant relative’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging laman din ito ng pahayagan noon matapos niyang ireklamo ang mga Nayong Pilipino Board Member dahil sa diumano’y maanomalyang lease contract na pinasok ng mga ito.

Pero ayon kay Villarica-Duterte ay hindi nila kamag-anak si Maria Fema.

Matatandaan na noong nakaraang buwan pa lamang ay pinapatamaan na ng kapatid ng dating pangulo ang nagpakilalang Duterte dahil sa walang tigil diumanong paninira sa kanya ni Maria Fema.

“This kind of people will never stop, they feel powerful by using mind control, it comes from praising you, earning your trust, confiding in you, but behind your back, they mis- infom people by giving the impression that they know you, and there begins the backstabbing, especially if you are perceived to be a social or political figure.” sabi ni Duterte-Villarica sa kanyang post.

“Ms. FD, you will never be a DUTERTE, even if you go around believing you are…and using my name, you have done every dirty trick to fool people into believing your lies and deceit…there is nothing I can do,but to wait for KARMA to step in, just remember that for EVERY ACTION HAS A REACTION…FOR EVERY INJUSTICE, THERE IS JUSTICE,” dagdag niya pa.

Nitong Agosto 1 naman ay pinangalanan na ni Duterte-Villarica si Maria Fema at sinabi na sa unang pagkakataon ay nakaranas siya ng napakataas na ’emotional at physical level’ na pain dahil sa nangyaring paninira sa kanya.

Hindi naman tumigil ang kapatid ng dating pangulo sa pambabatikos kay Maria Fema.

“Swerte mo naman FEma,bgy to bgy ang offer mo ng project, bka nakalimutan mo ang sabi ni PRRD wlang kamag anak, anak o mga relatives ang pwedeng pumasok sa gobierno, pero ikaw lantaran, pinopromote ka pa!!!” banat ni Duterte-Villarica.

Ibinahagi din nito na ni-isang patak diumano ng Duterte ay walang nananalaytay kay Maria Fema.

“Finally Ms. Fema, yung tunay na mga Duterte sa hometown (Ginatilan Cebu) mo nagsalita na, WALA KANG NI ISANG PATAK NA DUGO NA DUTERTE KA… Ngayon sabihin mo cno ang taga Malacañan na source mo sa paninira sa akin!!!” wika pa niya.

Hindi pa nagsasalita si dating Pangulong Duterte tungkol sa isyu.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular