Home Social Media Isang pirasong inihaw na Bangus sa Panglao, Bohol nagkakahalaga ng P1,000

Isang pirasong inihaw na Bangus sa Panglao, Bohol nagkakahalaga ng P1,000

0

‘MAHAL NA PAMASAHE AT PAGKAIN’ ‘yan ang reklamo sa social media ng ilang netizens na bumibisita sa Panglao, Bohol.

Matatandaan na trending na trending ngayon ang Panglao dahil sa P26,000 na bill ng isang turista para sa pagkain ng kanilang grupo.

READ MORE: Presyong Ginto! Turista, nagreklamo matapos singilin ng P26,000 para sa pagkain nila sa Panglao, Bohol

At dahil sa nag-viral na ang tila mala-gintong presyuhan sa nasabing tourist spot ay tila unti-unti narin sumisikat ang mga nakaraang kwento ng mga turista tungkol sa Panglao.

Isa na rito ay ang inihaw na bangus na nagkakahalaga ng P1,000 sa isang resort sa Panglao.

Ayon sa netizen ay umabot daw ng isang libong piso ang isang pirasong inihaw na bangus sa Panglao Alona Beach.

“1k ihaw na Bangus only in Panglao Alona Beach the Capital of United states of America,” pabirong sabi ng netizen na miyembro ng grupong DIY Travel Philippines.

Screencap ng post mula sa DIY Philippines

Hindi naman pinasinungalingan ng mga netizens na mahal talaga ang mga pagkain noon pa lamang sa Panglao.

“Kami ngang taga bohol halos di na makaya yung mga presyo dito,” sabi ng isang netizen na residente ng Bohol.

“Naalala ko yun bnili nameng sinigang na nilagay lang sa stainless na lalagyan na worth 450 na  pero halos good for 2 lng sa karinderya hahahh,” kwento naman ng isang turista na nakapunta na sa Panglao.

“Notorious po ang Bohol sa paniningil ng mahal sa turista, local man or foreign. I still can’t forget yung isang carinderia dyan sa Panglao na hindi nagse-serve ng tubig para mapilitan bumili ng softdrink or bottled water ang customer.” komento naman ng isa pang turista.

Hindi lamang pagkain ang mahal sa Panglao ayon sa mga netizens kundi pati narin ang pamasahe.

Ayon kasi sa mga bumista doon ay umaabot ng P100-200 pesos ang kada biyahe ng tricycle sa Panglao.

“Sorry pero ang mahal talaga sa Bohol, tapos pataasan ng rate mga tricycle drivers, tingin yata nila sa travelers ginto eh. Meron pa sa terminal mag uusap sila ng kapwa drivers na ganitong rate ibibigay pag nakita nila tagalog o foreigners ang sasakay, pero di nila alam naiintindihan ko pinag uusapan nila Lol,” kwento ng isang netizen.

“Yes po. Same. from hotel to airport, one way lang. 200. Pag babalik ng hotel, 200 ulit, pag papabili ka ng food from somewhere, 300. Better rent a scooter nalang, 400/day for tourists. May discount pag one week ang rent, full tank na yan.” sabi pa ng isang netizen.

May mensahe naman ang isang residente ng Panglao sa mga netizen na nagrereklamo sa presyo ng bilihin sa lugar.

“Taga panglao ako. Kung kayo na turista nahihirapan, imagine us. Lahat sobrang mahal: food and pamasahe. Kaya halos lahat ng tao dito may sariling motor kasi di uso jeep dito.” sabi ng netizen.

Sa ngayon ay gumagawa na ng aksyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang tignan kung makatarungan pa ba ang presyo ng mga bilihin sa Panglao para sa mga turista.

Facebook Comments