HomeSocial MediaDepartment of Tourism nakipag-usap sa DTI para bantayan ang presyuhan sa Panglao

Department of Tourism nakipag-usap sa DTI para bantayan ang presyuhan sa Panglao

Inumpisahan na ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring overpricing sa Virgin Island sa Panglao, Bohol.

Matatandaan na nag-post sa social media ang netizen na si Vilma Uy dahil siningil ang kanyang kaibigan ng P26,000 para sa kanilang pagkain sa nasabing isla.

“Ingon ani na diay kamahal ang pagkaon sa…? (Ganito kamahal ang pagkain dito?) Just airing the sentiments of my friend who recently enjoying their vacation in bohol.. pero na shock cla sa bill.. mahal pa sa buffet sa HENNAN resort…” caption ni Uy sa kanyang Facebook post.

295681433 478321734312725 3734993249245920160 n

Sa kanilang pahayag, sinabi ni DOT Sec. Christina Frasco na sineseryoso nila ang nangyaring insidente dahil nakasalalay dito ang kalagayan ng mga turista na mahalaga pa naman ngayon lalo na’t bumabangon pa lamang ang turismo sa bansa.

Isinusulong ngayon ng DOT ang regulasyon ng presyo sa Panglao na kilala sa kanilang ‘dollar rate’ na ilang beses ng inireklamo ng mga turista sa social media.

Nakikipagtulungan narin sila sa Department of Trade and Industry upang itama ang presyo ng mga bilihin sa nasabing isla.

“The Island being within the jurisdiction of the Local Government Units of the Province of Bohol and the Municipality of Panglao, my office has been in touch with the LGUs, and I thank Governor Aris Aumentado and Mayor Boy Arcay for immediately initiating an investigation into this matter, and taking initial steps at regulation.” sabi ng DOT sa kanilang pahayag.

“We are also coordinating with the Department of Trade and Industry (DTI) as it is imperative that reasonable pricing standards are upheld for purposes of consumer protection. Our Regional Office is also coordinating with the LGUs to provide guidance on standards for the provision of tourist goods and services, and we will extend trainings to the frontline tourism workers and stakeholders involved to safeguard the overall tourist experience in the Island.” dagdag pa nila.

Naniniwala sila na mahalaga na maganda ang maging karanasan ng mga turista sa mga lugar sa Pilipinas upang sa gayon ay bumalik pa silang muli.

“While the DOT understands the current predicament and challenges faced by many tourism-related businesses and establishments that are gradually recouping losses due to previously imposed travel restrictions, I believe that due care must always be given to the overall experience of tourists whether it concerns upholding the quality of accommodations, attaining a certain level of service, or ensuring the reasonable pricing of products.” sabi nila.

dot statement

Nitong nakaraan lamang ay nauna na ang Department of Environment and National Resources (DENR) na isara ang Virgin Islands dahil sa nangyaring insidente.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga tindero sa Virgin Island tungkol sa isyu na kinakasangkutan nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular