HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada ng 'Katips' balak kasuhan si Julia Parizcova Segovia: "Huwag...

Atty. Vince Tañada ng ‘Katips’ balak kasuhan si Julia Parizcova Segovia: “Huwag po tayong mamihasa”

Pinag-aaralan ng direktor at producer ng ‘Katips’ si Atty. Vince Tañada ang pagsasampa ng kaso laban sa Miss Q&A winner na si Juliana Parizcova Segovia dahil sa mga post nito laban sa kanyang pelikula.

Matatandaan na kinuwestiyon ni Segovia ang paghakot ni Tañada ng mga award sa nakaraang FAMAS katulad ng Best Picture, Best Director, at Best Actor.

Ngunit sa post ni Segovia ay ipinakita nito na ang direktor diumano ng FAMAS ay si Tañada.

Tila sinasabi nito na ang koneksyon ni Tañada sa FAMAS ang naging tulay para humakot ito ng award.

READ MORE: Juliana Segovia, ibinunyag na ang may likha ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada ang direktor ng FAMAS

juliana fb.webp

Hindi natuwa si Tañada sa mag post ni Segovia at ipinaalala nito na isa siyang abogado na may alam sa batas.

“Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita.” paumpisa ni Tañada sa panayam sa kanya ng DZRH.

“Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na ‘yan.” dagdag niya pa.

Ayon sa abogado ay nakikipag-usap na siya sa kanyang mga partner sa kanyang law firm upang pag-aralan kung may nilabag nga bang batas si Segovia sa mga post niya.

famas 2
Larawan mula sa FAMAS

“Ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q&A na si Juliana ay totoong libelous, ano. Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda, ‘no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan.” paliwanag ng abogado.

“Kaya nag-uusap-usap ang kampo po namin kung ano ang mga susunod na hakbangin dahil hindi po siya tumitigil hanggang sa ngayon.” dagdag niya pa.

Hindi naman daw siya sigurado kung ano ang magiging hakbang nila sa mga sinasabi ni Direk Darryl Yap ng Maid in Malacañang.

Mas iniisip niya ang pinagsasabi ni Segovia dahil sa hindi naman ito kasali sa pelikula ni Yap.

“Hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay. Kaya pag-uusapan po namin ‘yan kasama ng aking mga partners dito sa aming law firm.” sabi niya pa.

Wala pang tugon si Segovia sa plano ni Tañada.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular