HomeCelebritiesLolit Solis, nabigla ng bayaran ni Sen. Bong Revilla ang buong hospital...

Lolit Solis, nabigla ng bayaran ni Sen. Bong Revilla ang buong hospital bill niya: “Naloka ako!”

Hindi naitago ni Lolit Solis ang pagkabigla matapos niyang malaman na binayaran na lahat ni Senador Bong Revilla ang bill niya matapos siyang ma-ospital.

Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Lolit ang kanyang pasasalamat kay Revilla dahil sa malaking naitulong nito sa kanya.

“Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos.” kwento ni Lolit.

“Hindi iyon pagbabayad niya ng hospital bills ko ang naka touched sa akin, iyon pagsasabi niya na don’t leave anything out to give me kung ano ang dapat para gumaling ako.” dagdag niya pa.

Si Lolit ang talent manager ng senador kaya naman hindi maikakaila na malapit sila sa isa’t isa.

“I will really take a bullet for Bong Revilla anytime, dahil alam ko na hindi sayang ang pagmamahal ko sa kanya, na anuman ang ibigay ko kaya niyang tapatan din at tutoo na love begets love.” aniya.

“Marunong siyang magmahal, kaya dapat din siyang mahalin. I love you Bong, thank you,” dagdag pa niya.

Nitong nakaraang buwan ay napabalita na isinugod sa ospital ang talent manager dahil sa hindi ito makapagsalita ng maayos.

Pabiro naman nitong sinabi na sinumpa siya ng aktres na si Bea Alonzo na lagi niyang binabatikos sa kanyang mga post sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular