HomeCelebritiesGiselle Sanchez na gumanap bilang Cory Aquino sa 'MiM' binatikos ng isang...

Giselle Sanchez na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘MiM’ binatikos ng isang direktor: “Your movie is in no way, Art..”

Binatikos ng direktor na si Floy Quintos ang mga pahayag ni Giselle Sanchez kung saan tinawag niyang ‘art’ ang Maid in Malacañang kung saan gumaganap siya bilang si dating pangulong Cory Aquino.

Matatandaan na sinabi ni Sanchez na dapat ay hindi pakialamanan ang mga pelikula katulad ng MiM dahil sa ito ay kinokonsidera bilang isang ‘art’.

“I have always wanted to do a project with Direk Daryll Yap as I am a big fan of his works… I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon “Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should seduce and it should agitate..” ani Sanchez.

Pero ayon kay Quintos ay hindi maituturing na ‘art’ ang nasabing pelikula dahil sa ang hangad lamang nito ay magpasikat at asarin ang publiko.

Sa kanyang comment sa mismong post ni Sanchez ay sinabi ng direktor na sana’y sabihin na lamang ng aktres na gusto niya lamang na maging parte ng MiM.

“Please, please, please JUSTsay you wanted to do the role or needed to do the role. But please do not use or parrot the line that Art should disturb.” paumpisa ni Quintos.

“Your movie is in no way, Art. No matter what your patroness/ producer says. It is simply a piece meant to provoke and irritate. It is not the work of Artists, but of Provocateurs who simply want to gain Likes, Views, Instant Fame and Notoriety. Art has nothing to do with it at all. Please just stop using the term, and the argument that your movie is Art since it disturbs and agitates. Your movie stops there.” dagdag pa niya.

“How can a movie that is already condemned for falsification of history, for an overwhelming bias and for sheer bad taste, possibly be Art ?” 

floy quintos 2

Nag trending naman sa Twitter ang palitan ng mensahe nila Quintos at Sanchez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular