HomeCelebritiesDirek Darryl Yap, may sagot sa mga madre: "Hindi ko po sila...

Direk Darryl Yap, may sagot sa mga madre: “Hindi ko po sila kinunsulta sa eksena– hindi ko po kasi naisip na kailangan,”

Sinagot ni Direktor Darryl Yap ang pahayag ni Sister Mary Melanie Costillas ng Carmelite Monastery sa Cebu.

Ito’y matapos kondinahin ng mga madre ng Order of Carmelite ang tila pagsasalarawan sa kanila ni Yap sa pelikulang Maid in Malacañang.

Makikita kasi sa nasabing pelikula ang tila mga madre na naglalaro ng mahjong kasama si dating Pangulong Cory Aquino.

Inireklamo ng nasabing order kung bakit hindi man lang sila kinonsulta ni Yap tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari sa loob ng monasteryo noong kinupkop nila si Aquino noong 1986.

Ngunit ayon kay Yap ay tila hindi naman talaga kailangan na konsultahin pa ang mga madre.

“Tungkol po sa point ni Monsignor Tan at ng Carmelite Nuns, na hindi ko po sila kinunsulta sa eksena– hindi ko po kasi naisip na kailangan,” ani Yap.

“Gaya po ng sinabi nila, hindi naman po nakabrown, at walang binanggit na ‘Huy mga Carmelite Sisters, Ano na?!’” dagdag pa niya.

Mas gugustuhin pa daw nito na komunsulta kay ‘Valak’ o ‘yung demonyong madre na makikita sa pelikulang “The Conjuring 2”.

Inanyayahan din naman ni Yap ang mga madre na manood ng Maid in Malacañang.

“I would like to invite our Sisters to watch the film; if they are ostentatious about details, I don’t think there is a need for this ‘ouch’ and ‘involvement.’ Nung pinaalis ng bansa ang Pamilya Marcos, Wala po si President Cory sa isang Monasteryo,” sey ng direktor.

“Wala rin pong masama sa ‘Mahjong’ pampalipas-oras man o pang magkakaibigang-laro.” dagdag pa niya.

Ipapalabas ang nasabing pelikula sa Agosto 3.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular