HomeCelebritiesDENR, isinara ang isla kung saan sinigil ng P26,000 ang mga turista...

DENR, isinara ang isla kung saan sinigil ng P26,000 ang mga turista para sa pagkain

Pansamantalang isinara ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang Virgin Island sa Panglao na matatandaan nag-viral dahil sa pagbebenta ng mga residente doon ng overprice na seafood sa mga turista.

Nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Vilma Uy kung saan sinabi nito na ang kanyang kaibigan at mga kasama nito ay sinigil ng P26,000 para sa mga seafood na kanilang kinain sa isla.

Sinubukan nilang tawaran ang P26,000 na bill ngunit hindi sila pinagbigyan kaya’t napilitan na lamang sila na bayaran ito.

READ MORE: Presyong Ginto! Turista, nagreklamo matapos singilin ng P26,000 para sa pagkain nila sa Panglao, Bohol

presyong ginto panglao

Dahil dito ay inutusan na ng DENR ang lokal na pamahalaan ng Bohol upang pansamantalang ipatigil ang pagbi-biyahe ng mga turista sa Virgin Island.

“DENR7 is currently investigating on the excessive charging of food meals by vendors in Virgin Island in Panglao, Bohol after the issue circulated on social media,” sabi sa DENR.

“Bohol Provincial Environment and Natural Resources (PEN) Officer Ariel Rica is now coordinating with the Local Government Unit of Panglao together with the Protected Area Management Board (PAMB) of Panglao Island Protected Seascape (PIPS) on this matter.” dagdag pa nila.

297201391 10160466792785168 448305388100237610 n

Kilala ang Panglao sa ganda ng kanilang lugar ngunit naalala din ito ng ilang netizen dahil sa diumano’y dollar rate ang lahat ng bilihin sa nasabing lugar.

Kahit diumano ang pamasahe ay umaabot sa 100-200 pesos kada biyahe kaya naman ang mga turista ay nagdadalawang isip na bumisita sa lugar.

Noong 2018 ay hiniling ng Bohol Provincial Government sa LGU ng Panglao na sana’y aksyunan nila ang tila unti unting pagdumi ng Virgin Island.

“The island should be free from any commercial activity, consistent with Presidential Proclamation No. 1801 declaring Panglao Island as Tourist Zone. The Virgin Island must be for recreational activities like swimming and snorkeling only,” ayon sa Panglao Island and Tagbilaran Executive Council.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular