HomeCelebritiesBudget proposal ng SK sa isang palaro ng basketball sa isang barangay...

Budget proposal ng SK sa isang palaro ng basketball sa isang barangay umabot ng P710,000

Hindi maitago ng mga netizens ang pagtataka sa laki ng budget ng isang paliga ng basketball sa isang barangay sa San Fernando, Pampanga.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni netizen Stephand Tandoc ang budget proposal ng barangay Calulut sa San Fernando City na umabot na sa P710,000.

Ayon sa dokyumento na ibinahagi ni Tandoc ay makikita kung bakit umabot ng 710,000 pesos ang nasabing budget para sa paliga ng basketball.

  • Officiating Fee – P300,000
  • Prizes – 50,000
  •  Meals – 15,000
  • Uniform – 160,000
  • Repair Basketball Ring (N.V) – 100,000
  • Other Materials Needed – 60,000
  • Entertainment for Opening – 25,000

Kukunin ang nasabing pondo sa budget ng Sangguniang Kabataan.

Hindi naman ipinakita ni Tandoc kung sino ang nag-propose ng budget para sa  nasabing paliga.

297158747 8129607703723793 262763084731623158 n
Larawan mula kay Stephand Tandoc

Ilang netizens ang agad na nagbigay ng kanilang komento sa tila magarbong paliga ng nasabing barangay.

“OMG! SANA ALL MAY COPY SA GANYAN. WHY NAMAN HINDI NAMEN ALAM TO?”  ani Sheila Dungca na isa sa mga Kagawad ng SK sa nasabing barangay.

“Ganun pala kalaki ang basketball ring,” sabi ni Florjadedan de Jesus.

“Basketball ring 100k pesos? 1.5k lang sa mall bagong ring eh. May kasama pang net. SANGGUNIANG KURAKOT. Yan ang SK.” komento naman ni Vi Ar.

May ilan naman na nilinaw na ‘budget proposal’ pa lamang ito at maaring mabago pa ang nakalagay sa dokyumento.

Ngunit sinabi naman ng isang netizen na hindi parin tama na ganoon kalaki ang proposal na budget para sa isang paliga.

“Kahit na budget proposal pa yan kung ganyan na mag isip ang SK nako goodluck nalang,” tugon ni Reynante Saberon.

Nasa mahigit 500 shares na ang nasabing post ni Tandoc.

Sa ngayon nay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang barangay Calulut sa kontrobersiya na kanilang kinakaharap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular