HomeSocial MediaPresyong Ginto! Turista, nagreklamo matapos singilin ng P26,000 para sa pagkain nila...

Presyong Ginto! Turista, nagreklamo matapos singilin ng P26,000 para sa pagkain nila sa Panglao, Bohol

Hindi naitago ng isang turista ang kanyang pagkadismaya dahil sa nasimot ang kanilang budget dahil sa kanilang inorder na pagkain sa Virgin Islands sa Panglao, Bohol.

Sa kanyang post, inireklamo ni netizen Vilma Uy ang order na pagkain ng kanyang kaibigan na umabot sa 26,000 pesos.

Sinubukan diumano ng kaibigan niya tawaran ang sinisingil sa kanila ngunit hindi ito pinagbigyan kaya naman napilitan na lamang nilang bayaran ang pagkain.

“Ingon ani na diay kamahal ang pagkaon sa…? (Ganito kamahal ang pagkain dito?) Just airing the sentiments of my friend who recently enjoying their vacation in bohol.. pero na shock cla sa bill.. mahal pa sa buffet sa HENNAN resort…” caption ni Uy sa kanyang Facebook post.

295681433 478321734312725 3734993249245920160 n

Ipinakita rin nila na hindi naman ganoong kadami ang kanilang order.

order 1 order 2

Mayroon namang nagpakilala na diumano’y kilala ang nabilhan nila na seafood at ipinaliwanag kung bakit umabot sa 26,000 ang bill ng grupo.

Ayon sa nasabing netizen ay ang inorder ng grupo sa viral post ay ang mga sumusunod:

  • Abalone- 18 pcs (150 each)
  • Isda- Red Snapper (2kg)
  • Isda-2 pcs Tuna (1.5kg each)
  • Isda Sugba-2pcs Snapper( 1 4kg each)
  • Scallops- (36pcs)
  • Oyster- (36pcs)
  • Squid- 2pcs (1.1kg each)
  • Lato-4 plates (200 per plate)
  • Baby squid- 15 sticks
  • Urchin – 24 small 15big
  • Saging-3 sticks for 100
  • Softdrinks-13pcs
  • Beer- 10pcs

296961744 440965034614320 6775404383641045084 n

Samantala ay naglabas naman ng pahayag LGU ng Panglao at sinabi na iimbestigahan nila ang nangyari.

Ayon sa LGU ay kahit sila ay nagulat sa siningil sa grupo.

Pinag-aaralan narin nila na pagbawalan ang pagtitinda ng mga seafood sa nasabing isla.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular