Home Celebrities Netizen ipinagtanggol si Robin Padilla matapos tawagin ng aktor na si Audie Gemora na ‘Kinder-gardener’

Netizen ipinagtanggol si Robin Padilla matapos tawagin ng aktor na si Audie Gemora na ‘Kinder-gardener’

0

Binanatan ng aktor na si Audie Gemora ang kasamahan niya sa showbusiness na si Senador Robin Padilla.

Ito’y matapos aminin ni Padilla na nahihirapan siyang intindihin ang ilan sa mga salita na sinasambit ng mga kasamahan niyang senador sa mga debate.

“Nahihirapan lang ako pag nag-e-Englishan na, medyo ‘pwede dahan-dahan lang?’ Gano’n. Kaya mahalaga ‘yung journal eh, kaya binabasa ko ‘yung journal kasi nandun lahat eh, mahalaga ‘yun,” pag-amin ni Padilla.

Dahil dito ay binatikos ni Gemora si Padilla ay tinawag itong ‘kinder-gar[t]dener’.

“You put a kinder-gardener in graduate school and expect the class to adjust?” banat ni Gemora.

Screencap ng tweet ni Audie Gemora

Ipinagtanggol naman ng netizen na si MJ Quiambao Reyes si Padilla mula sa banat ni Gemora at unang una nitong pinuna ay ang spelling ng ‘kinder-gardener’.

“Una, bago po kayo mang insulto, siguruhin n’yo po muna na tama ang spelling nyo ng KINDERGARTNER para di ka naman nakakahiya.” sabi ni Reyes.

“Pangalawa, hindi sukatan ng talino at competence ang galing sa pananalita ng wikang banyaga. [Otherwise, ano na lang ang magiging tingin sa iyo Audie now that you can’t even spell a simple word correctly?]

“Pangatlo, ang pagiging mapagkumbaba at ang pagmamahal sa sariling wika ay hindi kailanman kabobohan o kakulangan ng kakayahan magsilbi sa bayan.

“Isinusulong ni Sen. Robin Padilla ang pag gamit ng sariling wika hindi lang dahil sa doon sya mas bihasa at mas kumportable kundi dahil gusto rin nyang mas maunawaan ng nakararaming mamamayan ang mga mahahalagang isyung pinagdedebatehan sa senado.

Screencap ng post mula kay MJ Quiambao Reyes

Nagpasalamat naman si Padilla sa pagtatanggol sa kanya ni Reyes.

Nilinaw naman ng senador na patuloy parin siyang nag-a-adjust sa bago niyang trabaho.

“Nag-a-adjust pa tayo sa plenaryo lalo na’t wikang Ingles ang ginagamit. Gayunpaman,  patuloy ang aking pagpupursige na mas matuto upang makipagtalastasan sa unibersal na lengguwaheng ito. Gayunpaman, iminumungkahi ko pa rin ang paggamit ng wikang Filipino upang tayong lahat ay mas magkaintindihan. Ito ang ating pambansang wika; gamitin natin ito!” sabi ng aktor at senador.

Facebook Comments