Home Celebrities Miss Manila naalala ng mga netizens matapos humakot ng award sa Binibining Pilipinas si Hipon Girl

Miss Manila naalala ng mga netizens matapos humakot ng award sa Binibining Pilipinas si Hipon Girl

0

Naalala ng mga netizens si Miss Manila Alexandra Abdon na naka-face to face ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa programang Wowowin: Tutok To Win noong 2020.

Nitong ginanap na Binibining Pilipinas ay naging first runner-up si Hipon at nakakuha rin ito ng patong patong na award.

Ilan sa mga nakuha niyang award ay: BB. Shein BB. Pizza Hut BB. Kumu BB. Jag BB. Silka at BB World Balance na kung pagsasama samahin ay nagkakahalaga ng milyon milyong piso.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang paghaharap ni Hipon at Miss Manila dahil sa mga maanghang na salita na kanilang binitiwan sa isa’t isa.

Ngunit mas tila hindi nagustuhan ng mga netizens noon ang pagtawag ni Miss Manila na ‘iskwater’ kay Hipon.

“Tinawag mo lang naman akong skwater, so tawag niyo sa inyo sosyal. Sa amin low class. Girl ganun kasi ako nakilala, so kailangan ko bang baguhin sarili ko para sa’yo?” reklamo ni Hipon.

“Aside from Hipon, ano bang tawag sayo dito? Tinatawag kang squammy.” sagot naman ni Miss Manila.

Kinuwestiyon din ni Miss Manila ang kwalipikasyon ni Herlene na sumali sa mga beauty contest.

“Kahit magpa-pageant ang nanay ni hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Hindi ka qualified hipon.” sabi ni Miss Manila noon.

“Yung qualifications…medyo tagilid tayo do’n.” dagdag niya pa.

Eto naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Huwag na huwag nating mamaliitin ang ibang taong nagsisimula pa lang mangarap dahil balang araw baka mas mataas pa ang mararating nila sa atin.” sabi ni Navz TV.

“Masyadong judgemental… o ano ngayon… sali ka uli harlene kung kaya kang tapatan Ni abdon,” komento ni Teresa Siquijor.

Itinanggi naman ni Miss Manila na sinadya niya itong sabihin lahat kay Hipon at sinabi na napag-utusan lamang siya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Miss Manila sa narating ni Hipon sa kanyang pagsalita sa Binibining Pilipinas.

 

Facebook Comments