HomeSocial MediaMga madre na kasama ni Cory Aquino, hindi natuwa sa isang eksena...

Mga madre na kasama ni Cory Aquino, hindi natuwa sa isang eksena sa Maid in Malacañang

Hindi ikinatuwa ng mga miyembro ng Order of the Carmelites sa Mabolo, Cebu City ang pinakabagong trailer na inilabas para sa pelikulang Maid in Malacañang.

Makikita sa nasabing video ang paglalaro ng mahjong ng gumanap na dating pangulong Cory Aquino kasama ang mga madre.

Ang aktres na si Giselle Sanchez ang gumanap sa pelikula bilang Aquino.

Tila ipinapahiwatig ng nasabing trailer na naglalaro ng mahjong ang mga Carmelites kasama si Aquino noong panahon na nagkakagulo na sa Maynila dahil sa hindi malaman kung sino ang nanalo noong 1986 snap election.

Ngunit ayon sa isang madre na nakasama noon ni Aquino ay hindi ito totoo.

cory aquino carmelite 1
Dating Pangulong Cory Aquino kasama ang mga miyembro ng Order of Carmelite

“God forgive them. That’s totally fake news,” ayon sa isa sa mga opisyal ng nasabing order.

“Wala mi nalipay sa ilang giistorya,” (We are not happy with what they are talking about) dagdag pa nila.

Noong 1986 ay dinala si Aquino sa nasabing monasteryo upang protektahan ang dating pangulo mula sa mga gustong manakit dito.

Ayon sa kanila ay hindi pumunta ang dating pangulo sa monasteryo upang maglaro ng mahjong kasama ang mga madre.

“She came here only to sleep. Gikapoy gane kaayo siya kay gikan man to siya ni-attend ug mga rallies ato,” (She is very tired because she has been attending our rallies ever since) sabi pa ng madre.

Kasama ni Aquino noon ang kanyang anak na si Kris.

Lumisan si Aquino sa monasteryo noong Pebrero 23, 1986 dalawang araw bago maalis sa pwesto si Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular