Home Celebrities Australian national na sinubukan paslangin ang anak ni dating Pangulong Duterte, hinuli ng CIDG

Australian national na sinubukan paslangin ang anak ni dating Pangulong Duterte, hinuli ng CIDG

0

Hinuli ng mga miyembro ng CIDG ang isang 82-anyos na Australian national dahil diumano sa sinubukan nitong paslangin ang panganay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si si Rep. Paolo “Pulong” Duterte noong 2013.

Nitong Hulyo 28 ay matagumpay na nahuli ng CIDG si Michael Hatcher dahil sa kasong direct assault upon a person of authority at attempted murder.

Ayon sa mga record ng korte ay sinubukan banggain ni Hatcher si Duterte sa kahabaan ng McArthur Highway sa Davao City noong 2013.

Hindi naman ito nagpakita sa mga court hearing noong siya ay matagumpay na nakapagpiyansa.

Matapos itong hulihin ay sinabi ni Duterte na nagdesisyon na siyang i-atras ang kaso at patawarin na lamang ang Australian national sa kanyang nagawa.

Paliwanag nito ay mas maganda na hindi niya na kimkimin pa ang galit niya kay Hatcher lalo na’t 82-anyos na ito.

“I remember very well what happened between me and Mr. Hatcher, and it pains me every time I am reminded of it,” ani Pulong.

“I also pray that Mr. Hatcher will finally find peace in his heart and live the rest of his life happily with his loved ones,” dagdag pa niya.

Wala pang pahayag ang kampo ni Hatcher sa pagpapatawad na ginawa sa kanya ng mambabatas.

Facebook Comments