HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada, itinanggi na 'anti-Marcos' ang pelikulang Katips: "This is about...

Atty. Vince Tañada, itinanggi na ‘anti-Marcos’ ang pelikulang Katips: “This is about ordinary Filipinos”

Itinanggi ni Atty. Vince Tañada na ang kanyang pelikulang ‘Katips’ ay maituturing na isang anti-Marcos movie.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tañada na ang istorya ng kanyang pelikula ay tungkol sa nangyayari sa mga Pilipino noon sa gitna ng iringan sa pagitan ng mga Marcos at Aquino.

“Ang dapat abangan ng tao sa ‘Katips’ yung totoo. Yung ‘Maid in Malacañang’, story ng mga Marcoses tapos narinig na rin natin yung story ng mga Aquino. And hindi natin naririnig yung tao sa gitna ng awayan ng dalawang pamilya na ito,” ani Tañada.

“This is not an anti-Marcos movie. This is not a pro-Aquino movie. This is about the experience of ordinary Filipinos na nabuhay sa panahon ng Martial Law. May positibo, may negatibo, dapat natin alamin at dapat nating mapanood.” dagdag pa niya.

Matatandaan na ito rin ang sinabi noon ni Tañada ng unang ipalabas ang nasabing pelikula noong 2021.

“Ito ay hindi tungkol sa politika, ito ay tungkol sa buhay ng mga tao na nabuhay noong panahon ng Martial Law. Akala nila talagang political. Pero ako kasi naniniwala na ang Martial Law ay hindi labanan ng Pula at Dilaw kundi ng mga taong nasa gitna nila. . . They thought that this is anti-Marcos, this is not-anti Marcos, this is about ordinary human beings, maka-Marcos ka man, anti-Marcos ka man.” sabi niya.

Magbabangaan ag Katips at ang pelikulang Maid in Malacañang sa Agosto 3.

Inaabangan naman kung anong pelikula ang mas madaming kikitain dahil ito diumano ang magiging sukatan kung ano ang mas gustong panoorin ng publiko.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular