Home Celebrities Aktres na si Kat Alano, may tweet sa gitna ng utos ng CA na kasuhan si Vhong Navarro

Aktres na si Kat Alano, may tweet sa gitna ng utos ng CA na kasuhan si Vhong Navarro

0

Nag-tweet ang aktres na si Kat Alano sa gitna ng utos ng Court of Appeals na kasuhan ng rape ang aktor na si Vhong Navarro dahil sa ginawa nito laban kay Deniece Cornejo noong 2014.

Sa kanyang tweet, nagsalita si Kat tungkol sa “accountability” na dapat ay hinaharap ng mga tao.

“We seem to go from wrong doing to forgiveness right away. We forgot about ‘Accountability.’ We really need to hold people accountable for their actions.” sabi ni Alano.

Isa sa mga nagbigay ng tugon sa tweet ni Kat ay si Atty. Ferdinand Topacio na abogado ni Deniece.

Matatandaan na nag-viral noon sa social media si Kat at Vhong dahil sa post ng aktres sa diumano’y sikat na personalidad na nagsamantala sa kanya.

Noong 2020 ay ibinahagi ni Kat ang diumano’y pananamantala sa kanya ng personalidad na itinago niya sa alyas na #RhymesWithWrong o ang ibig sabihin ay katulog ng salitang ‘wrong’ ang pangalan ng nagsamantala sa kanya.

Ipinaliwanag niya rin na hindi na siya nagsampa pa ng kaso laban kay #RhymesWithWrong dahil sa makapangyarihan diumano ang mga kamag-anak nito.

“BTW,for everyone asking why I never filed.His uncle made sure that all cases against him would be dismissed.I found this out first hand.Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing.” wika niya.

Matatandaan na inakusahan noon si dating Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima ng pagbibigay ng special treatment kay Vhong.

Pinuna naman ngayon ng CA na nagkamali ang DOJ noon sa pagbabasura ng kaso ni Vhong.

“It was erroneous for the DOJ to deny Cornejo’s petition for review on the ground that her statements in the complaint-affidavits are inconsistent and incredible. In this regard, it bears to stress that the determination of probable cause does not depend on the validity or merits of a party’s accusation or defense or on the admissibility or veracity of testimonies presented.” sabi sa desisyon ng CA.

Facebook Comments