Home Celebrities Rowena Guanzon, may banat sa isang pelikula: “Lalangawin yan!”

Rowena Guanzon, may banat sa isang pelikula: “Lalangawin yan!”

0

Tila may pasaring si dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner at ngayo’y P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon laban sa isang pelikula.

Sa kanyang tweet, tila pinatamaan ni Guanzon ang Maid in Malacañang sa gitna ng pagkalat ng ilan balita na may namimigay ng libreng ticket nito.

Ayon kasi kay Guanzon ay kahit libre ang ticket ng nasabing pelikula ay lalangawin parin ito o hindi panonoorin ng publiko.

“Kahit libre ang ticket sa sine na yan lalangawin. #bardagulan,” sabi ni Guanzon.

Sinabi pa nito na ang pagkakamali diumano ng movie ay si “Ruppa” ang bida sa nasabing pelikula.

Hindi naman malaman kung ang aktres ba na si Ruffa Gutierrez ang binabanggit ng mambabatas.

“Ang number 1 na mali nila si Ruppa ang bida nila #Bardagulan,” aniya.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng reaksyon sa sinabi ni Guanzon.

“Ayan ka na naman sa prediction mo. Kaya nga natalo kayo e. Hahahahaha,” sabi ni netizen @tertinyu.

“Kung makikipag-bardagulan ka, sa Supreme Court nalang. Na show cause ka na.” wika naman ni @AlfredoGenom.

“Desperado na silang mamigay ng free tickets. I’ve watched the trailer of that propaganda movie. Ginawa nilang masamang tao si Pres. Cory yet we all know naman na calm and composed siya. Up natin yung #Katips. Mas deserve itong panoorin.” tweet ni @erareinamareads.

Facebook Comments