Home Celebrities Private school, isinauli ang ticket ng Maid in Malacañang na ibinigay sa kanila: “

Private school, isinauli ang ticket ng Maid in Malacañang na ibinigay sa kanila: “

0

Napabalitang ibinalik ng kilalang Catholic private school ang mga ticket para sa pelikulang Maid in Malacañang na kanilang natanggap mula sa Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).

Sa ilang post sa social media kumakalat ang mensahe ng diumano’y presidente ng Xavier School na si Father Aristotle C. Dy na isinauli nila ang mga ticket dahil sa hindi nila kayang makisali sa diumano’y pagbaluktok ng kasaysayan.

“This sender focused on Chinese schools so we received the tickets , then returned them” with a message “That we are committed to historical facts and cannot participate in a campaign to distort history.” sabi sa post.

Ibinahagi naman ng civic leader na si Teresita Ang-See na may ilang grupo ng mga negosyante na inutusan diumano ni na inutusan ni Senador Imee Marcos na mamigay ng libreng ticket at ibahagi ito sa iba’t ibang eskwelahan.

“Some business groups have been tapped by Senator Imee Marcos to buy millions of pesos worth of tickets to the film, Maid in Malacaňang, to be distributed to schools. I thought I was already beyond shock but promoting a film that has been judged as a distortion of history by distributing free passes to students is truly appalling. It is tantamount to asking these educational institutions to promote outright lies, falsehoods, and historical distortion.” ani Ang-See.

“The promotion of this movie MADE in Malacaňang in the nation’s schools is an insult to our schools and students. It displays total disregard for integrity, and disrespect for the truth and historical facts.” dagdag pa niya.
Matatandaan na itinanggi na ng kampo nila Direk Darryl Yap na namimigay sila ng libreng ticket.
Facebook Comments