Home Social Media Maid in Malacañang, ipinakita ang libangang ‘mahjong’ ni Cory Aquino

Maid in Malacañang, ipinakita ang libangang ‘mahjong’ ni Cory Aquino

0

Sa unang pagkakataon ay ipinakita ng mga nasa likod ng pelikulang Maid in Malacañang ang gaganap bilang Cory Aquino.

Isa ang karakter ni Aquino sa mga pinakamahalaga sa istorya dahil siya ang ipapalit ng taumbayan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa sa mga bida sa nasabing pelikula.

Sa nasabing teaser ay makikita si Aquino na naglalaro ng mahjong kasama ang ilang madre.

“Hindi na ako tumodas-todas,” sabi ni Aquino sa teaser.

“Eh kasi naman tayo ka nang tayo e,” sey naman ng isa sa mga madre.

“Totoo yan, maswerte talaga ang nakaupo,” tugon naman ni Aquino.

Kung pagbabasehan ang kasaysayan ay totoo na isa sa mga libangan ng dating pangulo ang paglalaro ng mahjong.

Sa aritkulo ni Rey Gamboa ng Philippine Star ay isa sa mga nabanggit nito ang paglalaro ng mahjong ni Aquino kahit na nasa pwesto na siya.

“Simple mahjong afternoon sessions during her term were a whiff of charm to the musty formality of Presidential life.” sabi sa aritkulo.

Ito rin ang nabanggit sa artikulo ng Dawn.com kung saan mas gusto diumano nito na magsalita tungkol sa kanyang mga anak at maglaro ng mahjong kaysa sa makipag diskusyon tungkol sa politika.

hinihintay naman ng ilang netizen kung magbibigay ng reaksyon ang pamilya Aquino sa kung paano isinilarawan ang dating pangulo sa pelikula ni Darryl Yap.

 

 

Facebook Comments