HomeCelebritiesLuto? Ilang netizens hindi tanggap na 1st runner-up lamang si Herlene Nicole...

Luto? Ilang netizens hindi tanggap na 1st runner-up lamang si Herlene Nicole Budol sa Binibining Pilipinas

Ilang netizens ang kinukwestiyon ngayon ang naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022 kung saan ay first runner up lamang ang nakuha ni Herlene Nicole Budol na kilala rin bilang si ‘Hipon Girl’.

Sa ilang post sa social media ay nagkahalo halo na ang suspetsa ng mga tao dahil sa hindi nakakuha ng title si Hipon kahit na humakot ito ng award.

Matatandaan na pinarangalan siya bilang BB. Shein BB. Pizza Hut BB. Kumu BB. Jag BB. Silka at BB World Balance.

Isa sa mga kilalang personalidad na hindi nagustuhan ang resulta ay ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot na tinawag na ‘cooking show’ ang Binibining Pilipinas.

“Harlene Budol, 1st runner up lang???! Cooking show.” ani Sasot.

Kinuwestiyon din nito ang nangyaring ‘long pause’ sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa Binibining Pilipinas.

Kahit ang mga netizen sa Twitter ay tinatanong ang mga host na sila Miss Universe 2018 Catriona Gray kung ano ba talaga ang nangyari at bakit biglang nagkaroon ng delay sa pag-anunsyo ng mga nanalo.

“@catrionaelisa MS. MAAM! WE NEED THE JUICE ON THAT LONG PAUSE! FR FR” sabi ni @dailydax.

“The org needs to explain the long pause kanina hindi mapakali ang marites mind ko nakakaloka ang I think everyone needs to know what happened. For the pageant’s integrity na rin. #BinibiningPilipinas2022,” ani @blsen21.

“All of us want to know what happened why there’s suddenly a delay/very long pause before announcing the last crown. any explanation or atleast a statement BBP?” tanong ni @jnkysabel.

Sa ngayon ay wala pang paliwanag ang Binibining Pilipinas sa nangyaring long-pause.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular