HomeCelebritiesKapatid ni AJ Raval na si Vanessa, may banta kay Aljur Abrenica:...

Kapatid ni AJ Raval na si Vanessa, may banta kay Aljur Abrenica: “Susunugin ko ang bahay niya!”

Maanghang ang mga mensahe ng kapatid ng aktres na si AJ Raval na si Vanessa sa aktor na si Aljur Abrenica.

Sa panayam sa kanya ng Abante, itinanggi ni Vanessa na buntis ang kanyang kapatid kay Aljur na matatandaan na matagal ng pinaghihinalaan na magkarelasyon.

Hindi niya naman ito makumpirma dahil sa tatlong buwan na silang hindi nagsasama ng kanyang kapatid.

Posible rin naman diumano na hindi rin ito sasabihin sa kanya ni AJ lalo na’t kilala si Vanessa sa kanyang pagiging madaldal sa social media.

Ngunit kung totoo man ang balita na buntis ang kanyang ate ay kailangan diumanong panagutan ito ni Aljur dahil kung hindi ay mayroon siyang gagawin na hindi magugustuhan ng aktor.

“Basta ang gusto kong mangyari basta naanakan niya ang ate ko, panindigan niya. Magpakabuti siyang ama kasi kapag hindi niya napanindigan ‘yun, susugurin ko siya sa bahay niya. Susunugin ko ang bahay niya,” sabi ni Vanessa.

Samantala ay naging usap-usapan naman si Vanessa nitong mga nakaraang araw dahil sa pakikipagtalo niya kay Skusta Clee.

Nag-umpisa ang isyu matapos sabihin ni Vanessa sa kanyang social media post na mayroon isang “panget na rapper” na ayaw siyang tantanan at pinopormahan siya.

Hinamon naman ni Skusta si Vanessa na pangalanan ng diretsahan ang nasabing rapper.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular