HomeCelebritiesJuliana Segovia, ibinunyag na ang may likha ng 'Katips' na si Atty....

Juliana Segovia, ibinunyag na ang may likha ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada ang direktor ng FAMAS

Kinuwestiyon ni grand winner ng Miss Q&A noontime show na It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia ang paghakot ng award ng pelikulang ‘Katips’ na ipantatapat sa ‘Maid in Malacañang’ sa Agosto 3.

Pitong award ang napanalunan ng Katips: Best Picture, Best Director (Vince Tañada), Best Actor (Vince Tañada), Best Supporting Actor (Johnrey Rivas), Best Original Song (“Sa Gitna ng Gulo”), Best Musical Score (Pipo Cifra), at Best Cinematography.

Sa kanyang post nitong Hulyo 30 ay tinawag na ‘pavictim’ ni Segovia ang mga nasa likod ng pelikula.

Matatandaan na inireklamo ni Atty. Vince Tañada na direktor ng Katips na hindi na sila makakuha ng slot sa ibang sinehan dahil sa nakuha na ito ng Maid in Malacañang.

“Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” ani Segovia sa kanyang post.

juliana fb.webp

Tila ipinapahiwatig ni Segovia na ginamit ni Tañada ang kanyang koneksyon sa FAMAS upang makahakot ng award.

Ipinakita kasi ng komedyante na ang direktor pala ng FAMAS ay si Tañada na siyang may likha ng Katips.

Nagtataka rin ito kung paano natalo sa best supporting actor si John Arcilla ni Johnrey Rivas na parte ng Katips.

famas segovia.webp

Sa ngayon ay hindi na makita ang mga post ni Segovia na kilalang kaibigan ni Direk Darryl Yap.

Wala pang pahayag ang FAMAS at si Tañada kung totoo nga ba ang mga akusasyon ng komedyante laban sa kanila.

Tungkol sa paghihirap ng mga aktibista noong panahon ng martial law ang nasabing pelikula kaya naman tila naging paligsahan muli sa pagitan ng mga ‘pink’ at ‘red’ ang isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular