HomeCelebritiesJay Sonza, duda sa awards na nakuha ng Katips: "Ginawaran ng mga...

Jay Sonza, duda sa awards na nakuha ng Katips: “Ginawaran ng mga parangal na hindi pa man napapanood ng madalang pipol”

Kinuwestiyon ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza kung bakit inulan ng awards ang pelikulang ‘Katips’ sa ginanap na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards nitong Hulyo 30.

Matatandaan na nanalo ng pitong awards ang nasabing pelikula sa FAMAS kasama na ang Best Picture. Nakuha naman ni Atty. Vince Tañada ang Best Director at Best Actor.

Ang ‘Katips’ ay ang pelikulang tungkol sa paghihirap ng mga estudyante noong Martial Law at nagdesisyon ang mga nasa likod nito na isabay ang showing nito sa Maid in Malacañang.

Ngunit duda si Sonza kung paano nakakuha ng napakadaming award ang Katips kahit na hindi pa naman ito napapanood ng publiko.

“Only in the Philippines. FAMAS Awards ipinagkaloob sa isang movie (pelikula) na coming soon pa lamang sa sinehan (moviehouse)!!” sabi ni Sonza.

“Ayon sa patalastas (movie advertisement/ media promotion materials), ipapalabas sa August 3 ang pelikulang “katips.” Samantala, sa katatapos lamang na awards ceremonies ng FAMAS, ginawaran ng mga parangal ang nasabing movie na hindi pa man napapanood ng madalang pipol. Pero sinasabing naipalabas na ito noon, subalit nilangaw (first day-last day?) sa takilya, kayat susubukan itong ilabas muli. Sorry po. Ang alam ko kasing “katips” ay iyong inuman sa may katipunan avenue extension, papuntang blue ridge.” dagdag pa niya.

screencap 2022 07 31 at 8.35.34 PM
Screencap ng post mula kay Jay Sonza

Ipinalabas na ang Katips sa mga miyembro ng media noong Nobyembre 27, 2021, habang ipinalabas naman ito sa publiko noong Disyembre 3.

Hindi naman ito nakuha bilang parte ng 2021 Metro Manila Film Festival.

Dahil sa tila mababang popularidad ng pelikula ay suspetsa ng ilang netizen ay nakikisabit lamang ito sa kasikatan ng Maid in Malacañang.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular