Home Politics VP at DepEd Sec. Sara Duterte, ipinaliwanag ang pagpapasara ng mga ‘Salugpungan School’

VP at DepEd Sec. Sara Duterte, ipinaliwanag ang pagpapasara ng mga ‘Salugpungan School’

0

Dinepensahan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang naging desisyon noon ng gobyerno na isara ang mga ‘salugpungan schools’ sa iba’t ibang bahagi ng Davao.

Ang mga nasabing eskwelahan ay itinayo ng mga ‘volunteer’ para diumano magbigay ng edukasyon sa mga indigenous people (IP) na hindi naabot ng DepEd.

Ngunit ayon kay Duterte ay ginagamit lamang ang mga salugpungan upang ipakalat ang propaganda ng CPP-NPA-NDF.

“The Salugpungan schools in Davao were all shut down in 2019 because the schools were not serving the interest of the learners — that is to provide them with basic education. The Salugpungan schools in Davao were all shut down because they lacked permits and documents that would have lent legitimacy to the existence and operations of the schools.” ani Duterte.

“While the Salugpungan schools were shut down because they were illegally operating — the schools were run by teacher volunteers who allegedly had links with New People’s Army, the Communist Party of the Philippines, and the National Democratic Front of the Philippines.” dagdag niya pa.

Sinabi pa ng bise na ginagamit lamang ang salugpungan upang indoktrinahan ang mga IP upang labanan ang gobyerno.

Binanatan din nito ang Makabayan Bloc at sinabi na ang paunti unti nilang pagkaubos kada eleksyon ay nangangahulungan na naiintindihan na ng publiko ang totoong nangyayari.

“The dress that I wore to the SONA and why I wore it doesn’t really interest Cullamat and the rest of Makabayan Bloc. They can lie about it but the Salugpungan schools that we shut down do not also matter to them. And the IP children being potential recruits of the NPA is something that’s within their political agenda so it’s only convenient for them to turn a blind on eye on this.”  aniya.

“The Filipino people should not fall for the fakery being peddled by Makabayan Bloc or to this disgusting deliberate effort to twist the narrative to favor their interest and the interest of the NPA, CPP and NDFP.” sabi niya pa.

Ikinatuwa naman nito ang ginawa ng mga Pilipino na hindi na iboto pa ang Bayan party-list.

“Bayan Muna and Eufemia Cullamat have been removed from the halls of Congress means that the country, the Filipino children, most especially the IP children, are now more protected from the ideology of destruction and war that Makabayan Bloc espouses.” wika niya.

Facebook Comments