HomeCelebritiesSharon Cuneta, inamin na hindi maganda ang kondisyon ngayon: "I've been sick...

Sharon Cuneta, inamin na hindi maganda ang kondisyon ngayon: “I’ve been sick and baldado”

Maituturing na tagumpay ang naging concert ni Megastar Sharon Cuneta kasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Estados Unidos nitong nakaraang Linggo.

Ngunit sa kanyang Instagram post, inamin ni Sharon na hindi nakayanan ng kanyang katawan ang tuloy tuloy na concert niya sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa kanya ay ilang araw na siyang hindi makatayo dahil sa kanyang

“My Nana is flying back to Manila ahead of me… And because I’ve been sick and baldado (haven’t gotten out of bed since we arrived in L.A. July 25) – bumigay na rin my body,” sabi ni Sharon.

“I miss her and will miss her so much more when she leaves…I love you, my Nana,” dagdag pa niya.

Ilang mga netizens naman ang nagpakita ng pag-aalala kay Sharon.

“I wish I could take care of you ate @reallysharoncuneta . Praying for you fervently so you can be back to your dearest kids and hubby very soon.” sabi ni @inspiredbysharoncuneta.

“@reallysharoncuneta get well soon. Keep hydrated. Lemon and hone pls,” komento naman ni @urbanfatkit.

Sa isang video naman ay makikita si Sharon na ikinatuwa ang reunion niya kasama ang kanyang alaga na si Tiana.

Mahahalata naman sa video na pagod parin ito dahil sa sunod sunod na concert.

“Tiana and Mama Again!!!” sabi ng singer-actress.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular