HomeCelebritiesSana all! Dating Sen. Kiko Pangilinan ibinahagi ang pagluluto ng itlog at...

Sana all! Dating Sen. Kiko Pangilinan ibinahagi ang pagluluto ng itlog at tuyo

Ibinahagi ni dating senador at natalong kandidato sa pagka-bise presidente na si Kiko Pangilinan ang ilan sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon matapos ang kanyang pahinga sa politika.

Sa kanyang Tiktok, ibinahagi ni Pangilinan ang pagluluto niya ng tuyo at itlog para sa kanilang almusal.

Tila siya ang nakatoka ngayon sa pagluluto lalo na’t wala ang kanyang asawa na si Megastar Sharon Cuneta dahil mga concert nito sa Estados Unidos.

“Eto na ang kanin, andito na ang tuyo, may konting bacon at syempre itlog.” sabi ni Pangilinan sa kanyang video.

@kiko.pangilinanPaano hindi gumawa ng sunny side up. Forda breakfast, Mangan tamu 🍳♬ Merry-Go-Round – Joe Hisaishi

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang ipinakita ni Pangilinan ngunit may ilan na pinuna ang dating senador dahil sa gumamit ito ng bakal na spatula habang ang lutuan niya ay isang non-stick pan.

Kapag bakal kasi na siyansi ang ginamit sa isang non-stick pan ay kadalasan nagagasgasan ito kaya’t payo ng mga netizen kay Pangilinan ay sana’y plastic o wooden spatula ang ginamit ng dating senador.

“@Sharon Cuneta tingnan nyo po spatula ni sir kiko sa non-stick pan. HAHAHAHAHAHAHAHAHA,” sabi ni @rkive.

“Sir kiko yung metal spatula po 😭 baka masira ang non-stick pannn hwhahahah,” wika naman ni @jash.

“Nararamdaman ko na pong galit si Ms Shawie, kasi metal spatula po ginamit niyo! beast mode on si wifey,” ani Rechel Bermudez.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular