Home Social Media Pamilya Furugay sa pagkasawi ni Rolando Yumol: “Kami po ay nagulat at nalungkot”

Pamilya Furugay sa pagkasawi ni Rolando Yumol: “Kami po ay nagulat at nalungkot”

0

Ikinagulat at ikinalungkot ng pamilya Furugay ang sinapit ng ama ng suspek sa pagkasawi ng kanilang ilaw ng tahanan.

Matatandaan na nasawi si dating Lamitan City Mayor Rose Furugay sa pag-atake ng doktor na si Chao-Tiao Yumol sa Ateneo de Manila.

Ilang araw matapos ang insidente ay nasawi naman ang ama ni Dr. Yumol na si Rolando Furugay matapos itong pataubin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Ngunit kahit na may hidwaan ang dalawang pamilya ay ikinalungkot ng mga Furugay ang nangyari.

Hiling naman ng pamilya Furugay na imbestigahan na ng Lamitan PNP ang nangyari kay Mr. Yumol upang mahanap na kung sino ang nasa likod nito.

“Kami po ay nagulat at ang pamilya po ay nalulungkot na nangyari ‘yan,” sabi ni Atty. Quirino Esguerra na counsel ng pamilya Furugay.

“Hiling na lang po ng pamilya sa pangyayaring ito ay magrequest sa PNP na magconduct ng thorough investigation kung sino po ang responsable dito,” dagdag pa nila.

Hinimok naman ng abogado ang publiko na huwag sana agad sisihin ang pamilya Furugay sa nangyari kay Mr. Yumol.

“Sana po huwag natin paghusgan ang pamilyang Furigay. Ever since nagkaroon ng pagyurak sa kanilang karapatan, sila po ay pumunta sa korte at piskalya. Unfair naman po na bigla nating i-judge o ihusga na sila ay may kinalaman dito,” sabi ng kampo ng mga Furugay.

Samantala ay nakakatanggap na ang pamilya Yumol ng mga banta na sila ay uubusin na dahil sa nangyari sa Ateneo.

Humiling sila ng proteksyon sa pangulo, ngunit hindi pa ito sinasagot ng palasyo.

 

Facebook Comments