Home Celebrities Matapos “singilin” ng Mayor ng Abra si PBBM, PCSO nagpadala agad ng bagong ambulansya sa probinsya

Matapos “singilin” ng Mayor ng Abra si PBBM, PCSO nagpadala agad ng bagong ambulansya sa probinsya

0

Nagpadala ng bagong ambulansya ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa probinsya ng Abra matapos “singilin” ng isang alkalde doon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang palitan ng mensahe sa pagitan ni La Paz Mayor Joseph “JB” Bernos at Pangulong Marcos kung saan hiniling ng alkalde na sana’y mabigyan sila ng mga bagong sasakyan na magagamit pagdating sa kalamidad.

Ayon kasi kay Bernos ay ang ilan sa mga ambulansya at fire trucks nila ay noong panahon pa ng ama ni PBBM.

“During the previous administrations, lagi po kaming lumuluhod sa PCSO for ambulance. So, this time, siguro naman po open na po lahat ‘yung request namin kasi may Ilocano president na kami and we delivered 96% of the votes of Abra during the last election, so tingin ko kami naman po ang maniningil ngayon, Mr. President,” ani Bernos.

Sinagot naman ito ni PBBM at sinabi na alam niya ang problema na kinakaharap ng Abra.

“All your comments are well noted and of course, sige we will look into it.The problem of firetruck and ambulance is worse here in Abra than in other provinces, medyo naiwanan kayo,” sabi ng pangulo.

Pormal namang tinanggap nila Danglas, Abra Mayor Esther Bernos. Abra Rep. Ching Bernos at La Paz Mayor Joseph Bernos ang naabing ambulansya na malaki ang maitutulong lalo na’t tinamaan ng malakas na lindol ang kanilang probinsya.

 

Facebook Comments