Home Celebrities Kelsey Furigay, sinabing nakakatanggap din sila ng pagbabanta mula sa mga tagasuporta ni Dr. Yumol: “I will fight for what’s left”

Kelsey Furigay, sinabing nakakatanggap din sila ng pagbabanta mula sa mga tagasuporta ni Dr. Yumol: “I will fight for what’s left”

0

Tila napuno na ang anak ng nasawing alkalde ng Lamitan na si Rose Furigay sa mga diumano’y ‘trolls’ na ayaw silang tantanan o hayaan man lang na magdalamhati.

Sa kanyang Instagram post, binatikos ng nakababatang Furigay ang mga supporters ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa pagkasawi ng kanyang ina.

Nakadagdag pa sa kanilang paghihirap ang publicity na natanggap ng kaso.

Ayon sa kanya ay sinubukan niya na lamang manahimik, ngunit dahil sa dami ng gumugulo sa kanila ay nagdesisyon siya na ipaglaban kung ano man ang natitira sa kanyang ina, ang reputasyon nito.

“What is there left to fight for? She is already gone. But the fact that this all happening with the disinformation in the media, the fake news peddlers and the pushy media personnel, makes it even harder for us to grieve in peace.” sabi ni Furigay.

“My family is even receiving threats from trolls or the killer’s sympathizers/supporters. Which is why I decided today to not be silent, and I will fight for what’s left-my mom’s good name. I ask all our family, our friends and our supporters to fight with me. PLEASE. Because this is not politics! This is life. This is our lives. Let us preserve our humanity.” dagdag pa niya

Hiniling din ni Furigay na sana’y hayaan na lamang sila ng publiko na makapagdalamhati muna sa nangyari sa ilaw ng tahanan nila.

Hinimok din nito ang lahat na tigilan na ang karahasan na nangyayari.

 

Facebook Comments