Home Celebrities Giselle Tongi na sumali sa EDSA noong 8-anyos pa lamang siya, papanoorin ang ‘Katips’

Giselle Tongi na sumali sa EDSA noong 8-anyos pa lamang siya, papanoorin ang ‘Katips’

0

Inanunsyo ng dating aktres at VJ na si Giselle Tongi na papanoorin niya ang pelikulang “Katips” na ipangtatapat sa pelikulang Maid in Malacañang sa Agosto 3.

Halos magkasalungat ang istorya ng dalawang pelikula, ang katips ay tungkol sa paghihirap ng mga estudyante noong martial law habang ang Maid in Malacañang ay itatampok ang istorya ng pamilya Marcos 72 oras bago sila mapatalsik sa palasyo.

Ayon kay Tongi ay panonoorin niya ang nasabing pelikula dahil tungkol ito sa student activism na diumano’y ginawa niya na rin noon.

“Here’s a film I want to watch about the student activism during the time of the Marcos Dictatorship. Katips! Let me know what you all think!”  ani Tongi.

Matatandaan na binatikos ni Tongi ang Maid in Malacañang dahil sa maaring isa itong propaganda para mapabango ang imahe ng mga Marcos.

“I don’t know how to feel about this new film coming out. How does one distinguish propaganda vs art?” sabi pa ng aktres.

“I just hope it doesn’t glorify the evils of an administration that caused many Filipinos to suffer. I challenge you to up your media literacy skills & distinguish between the 2.” dagdag niya pa.

Matatandaan na binanggit noon ni Tongi na sumama siya sa EDSA People Power noong 8-anyos pa lamang siya.

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa sinabing ito ni Tongi at ang ilan ay kinuwestiyon ang kwento niya dahil sa isang lumang artikulo ng Inquirer kung saan ay sinasabi na 15-anyos na siya dumating sa Maynila.

Itinanggi niya naman na totoo ang impormasyon na nakalagay sa Inquirer.

Facebook Comments