HomeCelebritiesDirektor ng "Katips" inireklamo ang limitadong showing nila: "Di ko alam kung...

Direktor ng “Katips” inireklamo ang limitadong showing nila: “Di ko alam kung politika ba to”

Ibinahagi ni Atty. Vince Tañada ang ilang update tungkol sa pelikula niyang ‘Katips’ na isasabay niya sa showing ng Maid in Malacañang sa Agosto 3.

Sa kanyang video, ibinahagi ni Tañada ang mabuti at masamang balita tungkol sa kanyang pelikula na tungkol sa paghihirap diumano ng mga estudyante noong martial law.

Ang mabuting balita ay nakakuha sila ng slot sa lahat ng sinehan sa SM.

Ngunit ayon sa kanya ay kailangan niya pang makipag-usap sa ibang mga mall dahil sa wala na silang maibigay na slot para maipalabas ang kanyang pelikula na nanalo ng madaming parangal.

“May meeting kami sa Robinsons at saka sa Ayala, marami na kasing nakuhang sine ‘yung kabila eh. Wala ng natira sa’tin,” ani Tañada.

“Hindi ko alam kung politika ito o ano pero sisikapin ko na mas marami pa tayong sinehan na makuha para mas malapit sa inyo at mas maraming makapanood ng “katips,” dagdag niya pa.

Sinabi pa nito na magaling pagdating sa “politika” ang mga nasa likod ng Maid in Malacañang at para silang bumangga sa pader.

Matatandaan na inakusahan si Tañada ng pakikisabit sa kasikatan ng Maid in Malacañang dahil sa isinabay nito ang showing ng kanyang pelikula.

Wala pang sagot ang mga mall na nabanggit ni Tañada kung may kumokontrol ba sa kanila para hindi bigyan ng slot sa sinehan ang Katips.

Samantala ay sinagot naman ng isang netizen ang direktor at sinabi na malabong tungkol sa politika kaya’t hirap si Tañada na makakuha ng slot sa mga sinehan.

“Ipaalala ko lang sa’yo na late mo lang naisip na i-showing ulit ang movie mong “katips” ngayon magkukumahol ka na maghanap na sinehan na magpapalabas ng movie mo, kapag hindi ka nakakuha isisisi mo na pinopolitika ka,” sabi ng isang netizen.

Nitong Hulyo 28 lamang inanunsyo ni Tañada ang kanyang desisyon na ipalabas ang Katips.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular