HomePoliticsAnak ni Rose Furigay na si Kelsey ipinagtanggol ang ina sa mga...

Anak ni Rose Furigay na si Kelsey ipinagtanggol ang ina sa mga akusasyon ni Dr. Yumol

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang isa sa mga miyembro ng pamilya ng pinaslang na dating alkalde ng Lamitan na si Rose Furigay.

Sa kanyang pahayag, ipinagtanggol ni Kelsey Furigay ang kanyang ina mula sa mga akusasyon ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa pagkasawi ng dating alkalde.

Ayon sa kanya ay ang totoong dahilan kung bakit galit na galit sa kanila si Yumol ay dahil sa ipinasara ng BARMM ang kanyang clinic.

Matatandaan na ang clinic ni Dr. Yumol ay nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng Lamitan.

kelse 1

Itinanggi rin ni Furigay na sila ang nasa likod ng pagpaslang sa ama ni Dr. Yumol na si Rolando Yumol nitong Hulyo 29.

Ayon sa kanya ay pati siya ay naiyak sa nangyari kay Mr. Yumol.

“No human has a right to take another. What did his father do to us? Nothing. It is his son’s actions and not his. We do not want any more lives wasted because of this. In fact, my father immediately called the authorities to PLEASE THOROUGHLY INVESTIGATE who did this..” sabi pa ni Kelsey.

Nakiusap din ito na sana’y matigil na ang karahasan na nangyayari sa bansa.

“We beg the people & the country… NO MORE. With everything going on, we need to unite and work together, not hate each other.” aniya.

kelsey 2

Samantala ay humingi naman ng tulong ang pamilya Yumol kay Pangulong Bongbong Marcos dahil sa patuloy silang nakakatanggap ng banta.

READ MORE: ‘Iisa-isahin na raw kami” Ina ng doktor na si Chao-Tiao Yumol, humihingi ng tulong kay PBBM

“Mayroon pong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin na raw kami,” sabi ni Mrs. Muykim Yumol sa panayam sa kanya ng GMA News.

“Sana matulungan kami ni Presidente ‘Bongbong’ Marcos, nasa panganib na ang buhay namin. President, maawa po kayo sa amin.” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular