HomePoliticsVP Sara sinagot ang banat ni Eufemia Cullamat: "She should apologize to...

VP Sara sinagot ang banat ni Eufemia Cullamat: “She should apologize to her daughter for sending her to her untimely demise”

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang patutsada sa kanya ni dating BAYAN MUNA representative Eufemia Cullamat na nagbigay ng komento tungkol sa kanyang pananamit nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Matatandaan na nitong Hulyo 26 ay binatikos ni Cullamat ang pagsosoot ni Duterte ng tradisyunal na kasootan ng mga Lumad at sinabi na “pakitang tao” ang ginawa ng bise.

“Bukas kami sa mga gustong humiram ng aming kasuotan, pero dapat kinikilala din nila ang aming mga karapatan at laban. Walang sausay at pakitang tao lamang ang pagdamit ni VP Sara sa kasuotan ng Lumad gayong ni-redtag niya ang mga estudyante at guro ng mga iskwelahan ng Lumad. Tinakot pa niya at pinalayas ang mga Lumad sa santwaryo sa Davao City.” sabi ng dating mambabatas.

Ngunit ayon kay Duterte ay dapat si Cullamat ang humingi ng paumanhin sa mga Indigenous People sa Mindanao dahil sa pagkumbinsi nito sa mga katutubo na sumanib sa NPA.

“I wore the traditional Bagobo Tagabawa dress to raise awareness of the victimization of the IPs by the NPA and the Communist Party of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines.

sara duterte sona

“It was lobbying in the open public the welfare of IPs who have always been the favorite darling of the NPA for their recruitment and attacks — which happen every time they register their resistance.

“It was to hold a space for another narrative unknown to many Filipinos and to bridge public awareness of what is horribly happening to the IPs in remote places — deceptions, recruitments, and killings are carried out without mercy by the NPAs and their supporters.” ani Duterte.

Binanggit din nito na si Cullamat ay ina ng isang nasawing NPA na tinawag pa nitong “bayani ng mga Lumad”.

Ayon pa sa kanya ay sumali ang kanyang anak sa NPA dahil diumano sa ginagawa ng gobyerno sa mga Lumad.

screencap 2022 07 29 at 6.45.32 PM

Pero ayon kay Duterte ay dinala lamang ni Cullamat ang kanyang anak sa maling direksyon na nagresulta sa pagkasawi nito.

“As an IP herself, Cullamat should apologize to her fellow IPs for allowing a terrorist group like the NPA to strip them of their dignity as a people and dragging them into a war that serves them nothing as IPs.” sabi ni Duterte.

“And as a mother of a dead NPA fighter, she should apologize to her daughter for sending her to her untimely gruesome demise.” dagdag pa niya.

Nangako naman si Duterte na patuloy siyang hihirap at magsosoot ng mga tradisyonal na kasootan para magpakita ng suporta sa mga IPs na tina-target ng NPA.

Wala pang tugon si Cullamat sa banat sa kanya ni Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular