HomeCelebrities'Iisa-isahin na raw kami" Ina ng doktor na si Chao-Tiao Yumol, humihingi...

‘Iisa-isahin na raw kami” Ina ng doktor na si Chao-Tiao Yumol, humihingi ng tulong kay PBBM

Humihingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ina ng suspek sa pag-atake sa Ateneo de Manila na si Dr. Chao-Tiao Yumol.

Ito’y matapos pataubin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang kanilang haligi ng tahanan na si Rolando Yumol

Ang doktor ang suspek sa pagpaslang sa dating mayor ng kanilang lugar na si Rose Furugay.

Pinapangambahan na nag-umpisa na ang ‘rido’ o ang ubusang lahi sa pagitan ng dalawang pamilya dahil sa nangyari sa Ateneo.

Ayon kay Mrs. Muykim Yumol ay nakakatanggap na sila ng mensahe na uubusin sila dahil sa ginawa ng doktor.

“Mayroon pong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin na raw kami,” sabi ni Mrs. Yumol sa panayam sa kanya ng GMA News.

“Sana matulungan kami ni Presidente ‘Bongbong’ Marcos, nasa panganib na ang buhay namin. President, maawa po kayo sa amin.” dagdag pa niya.

Kahit diumano ang mga tauhan nila ay natatakot narin sa kanilang buhay dahil sa nangyari kay Mr. Yumol.

“Gusto ko bumalik yung asawa ko. Yung tao lang ho namin ang nag-aasikaso wala ho kaming ibang ano roon. Pati yung mga tao namin natatakot na rin, yung mga tao namin hindi namin kadugo,” sabi pa ng ginang.

Hiniling naman ng PNP Lamitan na maging mahinahon ang mga residente doon.

“Huwag po tayong magpadalos-dalos, mag-suspect kung may alitan man sila in both parties.” sabi ng hepe ng Lamitan PNP na si Police Lieutenant Colonel Tadzhabel Managola.

Samantala ay itinanggi naman ng abogado ng pamilya Furugay na sila ang nasa likod ng pagkasawi ni Mr. Yumol.

“Wala pong basis na related. At saka uulitin ko, hindi po nila nilagay ang batas sa kanilang kamay.” sabi ni Atty. Quirino Esguerra.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular