HomeCelebritiesEncantadia writer na si Suzette Doctolero, sinabing "gimik" lang ang pagtatapos ng...

Encantadia writer na si Suzette Doctolero, sinabing “gimik” lang ang pagtatapos ng Probinsyano

Tinawag na “gimik” ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero ang anunsyo ni Coco Martin na magtatapos na ang kanyang drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos ang pitong taon.

Matatandaan na sinabi ni Coco na ikinakalungkot niya na kailangan ng magpaalam ng kanyang programa.

“Kahit man po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi matatapos ang pagmamahal namin sa inyo. Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo, ito po ang FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos,” sabi ng aktor.

Ngunit naniniwala si Suzette na posibleng pakana lamang ng mga nasa likod ng Ang Probinsyano ang sinasabing pagtatapos nito dahil ito rin diumano ang ginawa nila noong 2016.

Ayon kasi sa ilang Kapamilya fans ay pinataob ng Probinsyano sa rating ang likha ni Doctolero na Encantadia 2016.

Pero kwento ni Suzette ay gumawa lamang ng gimik noon ang programa ni Coco para bumalik sa kanila ang mga manonood.

“Ay pinataob niya ang encantadia? Hindi. Lumalaban sa ratings ang enca at madalas ay natatalo nya ang probinsyano kaya unang nag announced noon ang probinsyano na siya ay magwawakas na (2016) pero nanloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience.” banat ng manunulat.

“Gumigimik. Sa totoo lang ay style nila yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. Susko since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag e end na pero nanloloko.” dagdag niya pa.

 

suzette fb comment

Sa ngayon ay wala pang tugon ang mga nasa likod ng Ang Probinsyano sa akusasyon ni Suzette.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular