Home Celebrities Darryl Yap, itinanggi na namimigay sila ng pera kapalit ng panonood ng Maid in Malacañang

Darryl Yap, itinanggi na namimigay sila ng pera kapalit ng panonood ng Maid in Malacañang

0

Itinanggi ng mga nasa likod ng ‘Maid in Malacañang’ na namimigay sila ng pera sa mga manonood sa kanilang pelikula.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng mga ipinapamigay diumanong libreng ticket para sa Maid in Malacañang na may kasama diumanong P3,000 na pocket money.

“How true na manonood ka lang ng “Maid in Malacañang” may pocket money ka pang 3K. San ka pa di ba?! Usap-usapan ngayon ito sa mga barangay ng city of the star,” sabi ni netizen Rovic Lalo.

Pero ayon naman sa kampo ni Yap ay ang mga nasa larawan ay hindi cinema ticket kundi block screening ticket.

Samantala ay pinipilahan na ngayon ang premier ng Maid in Malacañang sa isang mall sa Quezon City.

“Wala pang 7pm pero mahaba na ang pila para sa gustong manoond ng premiere night ng pelikulang MAID IN MALACAÑANG.” ayon sa post ng UniTeam for the Win.

Ang Maid in Malacañang ay tungkol sa istorya ng pamilya Marcos 72 oras bago sila mapatalsik ng taumbayan sa pwesto.

Nilinaw naman ni Senator Imee Marcos na hindi nila susubukang baguhin ang kasaysayan at gusto lamang nilang idagdag ang kanilang kwento at ibahagi ito sa publiko.

 

Facebook Comments