HomeCelebritiesAma ni Dr. Chao Yumol na si Rolando Yumol, biktima ng riding-in-tandem...

Ama ni Dr. Chao Yumol na si Rolando Yumol, biktima ng riding-in-tandem sa Lamitan

Bigo ng makaabot sa ospital ang ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol na si Rolando Yumol matapos itong mabiktima ng riding-in-tandem nitong Hulyo 29 ng umaga.

Ayon sa ulat ay nasa harapan ng ipinasarang clinic ng doktor ang biktima ng bigla na lamang itong atakihin ng mga nakamotorsiklong suspek.

Agad naman na ililibing si Mr. Yumol dahil sa wala na ang pamilya nito sa Lamitan dahil narin sa posibleng panganib sa kanilang buhay.

screencap 2022 07 29 at 4.47.10 PM

Ayon sa ilang residente ay retiradong pulis si Mr. Yumol kaya naman mas pinili nitong manatili sa Lamitan dahil kaya naman nitong ipagtanggol ang kanyang sarili.

Sa ngayon ay wala pang lead ang Lamitan City police kung sino ang suspek sa pagkasawi ni Mr. Yumol.

Hinimok naman ng hepe ng Lamitan PNP na huwag munang gumawa ng kahit anong ispekulasyon kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Matatandaan na si Dr. Yumol ang suspek sa pagpaslang sa dating Mayor ng Lamitan na si Rose Furugay.

Nag-umpisa na maging kritiko si Yumol ng mga Furugay matapos mapasara ang kanyang clinic na nag-aalok ng libreng pagpapagamot sa mga tao sa Lamitan.

Ayon kasi sa BARMM health ministry ay walang lisensya ang nasabing clinic ng doktor.

Wala pang pahayag ang doktor sa nangyari sa kanyang ama.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular