HomeCelebritiesWinnie Monsod sa sinabi ni PBBM tungkol sa lagay ng bansa: "Biggest...

Winnie Monsod sa sinabi ni PBBM tungkol sa lagay ng bansa: “Biggest lie that you’ve ever heard”

Hindi ikinatuwa ng ekonomista na si Winnie Monsod ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Matatandaan na sinabi ni Marcos na maayos ang kalagayan ng bansa.

“The state of the nation is sound.” ani Marcos bago niya tapusin ang kanyang SONA na umabot ng mahigit isang oras.

Ngunit ayon kay Monsod ay pawang kasinungalingan ang sinabi ni Marcos sa kanyang SONA.

“Susko! I mean that is the biggest, biggest inaccuracy, the biggest lie that you’ve ever heard. Is the state of economy sound?.. Education and health? No. They’re all in crisis. Even the state of our morality is not sound. So, how can he say the state of the nation is sound? Nabulagta ako eh.” ani Monsod.

Ayon pa sa kanya ay tila natatakot din si BBM na palabasin na nag-iwan ng problema ang administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“That’s because he could not, halatang hindi niya kaya. I mean ayaw niya na, you know, i-badmouth ‘yung kaniyang predecessor,” sabi ng ekonomista.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Marcos kay mga banat sa kanya ni Monsod.

Isa ang ekonomista sa mga kilalang kritiko ng kasalukuyang pangulo na naging estudyante rin diumano nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular