Home Celebrities Prosecutor may payo sa mga tagasuporta ni Chao Yumol: “If you really want to help him, stop arguing about his exposes.”

Prosecutor may payo sa mga tagasuporta ni Chao Yumol: “If you really want to help him, stop arguing about his exposes.”

0

Nagbigay ng payo ang Deputy City Prosecutor Darwin Cañete sa mga nagpapakita ng suporta sa suspek ng Ateneo shooting na si Dr. Chao-Tiao Yumol sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga akusasyon nito laban sa biktima nito na si dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furugay.

Matatandaan na inulan ng suporta sa social media si Yumol at ang ilan ay sinasabi na mayroong ipinaglalaban ang doktor kaya niya nagawa ang pag-atake.

Ilan sa mga nagpakita ng suporta kay Yumol ay ang blogger na si Maharlika na hiniling pa na imbestigahan ng mabuti ang isyu dahil baka biktima din ang doktor sa mga nangyayari.

Screencap ng post mula kay Maharlika

Ngunit ayon kay Cañete, lalo lamang nilulubog ng ilang netizens si Yumol.

“The court won’t consider his accusations against the deceased as a defense, but the opposite.” ani Cañete.

“So if you really want to help him, stop arguing about his exposes. Better for everyone to say he went nuts and go for an insanity defense.. But that’s just me. Your mileage may differ.” dagdag niya pa.

Screencap ng post mula kay Darwin Cañete

May ilan namang sinubukan na makipag-argumento kay Cañete.

“Why not research the root cause of everything? Mali talaga ginawa ni Doc Yumol…may reason kc bakit ginawa yun…at iyon ang dapat imbestigahan.” sabi ni Hael Peralta.

“Hael S Peralta because that is a different issue. Whatever happened in Lamitan is not an acceptable defense. A court of law is not a court of public opinion.” tugon naman ni Cañete.

Screencap ng post mula kay Darwin Cañete

“He had his reasons…but what he did was unlawful. He’ll get what he deserve. But it is A wake up call for govt to do its duties. Sana may positive na mangyari abt his issue. Its an eye opener,” komento ni Desi Villamin.

“Desi Villamin his reasons are not enough. Lalo niyo lang nililibing yung tao.” sagot naman ni Cañete.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Yumol kung paano nila dedepensahan ang patong patong na kasong kakaharapin ng doktor.

 

Facebook Comments