HomeCelebritiesPalanca awardee na si Vince Tañada, ipangtatapat ang kanyang pelikula sa Maid...

Palanca awardee na si Vince Tañada, ipangtatapat ang kanyang pelikula sa Maid in Malacañang sa August 3

Inanunsyo ng Palanca awardee na si Atty. Vince Tañada na itatapat niya ang opening ng kanyang pelikula na ‘Katips’ sa showing ng pelikula ni Direk Darryl Yap na ‘Maid in Malacañang’.

Sa isang press conference, sinabi ni Tañada ay isang hamon kung ituring nila ang pelikula ni Yap na tungkol sa mga nangyari sa pamilya Marcos 72 oras bago sila mapatalsik sa pwesto ng taumbayan.

Ayon kay Tañada ay isa siya mga biktima ng martial law kaya naman lalabanan niya ang nasabing pelikula.

16 katips.JPG
Larawan ng “Katips: Ang Mga Bagong Katipunero.” mula sa Broadway Philippines

“China-challenge ako, china-challenge tayo ng “Maid in Malacañang.” Kaya nag-react ng ganoon si Direk Joel (Lamangan) kaya gagawa siya ng pelikula.” ani Tañada.

“Ito nagawa na namin wayback 2021 so sabi ko now is the time. After ng promotion ng “Maid in Malacañang,” we are head to head kasi this is about the truth. Nobody can ever invalidate my personal experience as a victim of Martial Law,” sabi pa niya.

Tinawag namang “putakte” ni Yap ang plano ni Tañada na makipagsabayan sa kanya.

“Para silang putakte na nakakita ng mapapakinabangan… So kung katotohanan ang kanilang pinaglalaban sana makita na rin nila ang katotohanan na mukha na nagmumukha na silang t*ng*, nagmumuka na silang kawawa,” sabi ng direktor.

Matatandaan na plano rin ni Lamangan na gumawa ng pelikula upang labanan diumano ang pelikula ni Yap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular